artists: a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9

lirik lagu hele ni inay – regine velasquez

kay tagal ng panahon
awit mo’y naririnig
sa tuwing gabi
ng paskong tahimik
tanging tinig mo
ang nagpapasabik
na hintayin ko
dakilang araw sa sasapit

kay tagal ng panahon
sa iyo’y nangungulila
sa bawat haplos
sa aking mukha
sa tuwing nahihimbing
hinihintay pa rin
maramdaman muli
ang yakap mo sa akin

ang tanging hiling
sa paskong darating
hele mo inay
muling marinig
ang tanging hiling
sa paskong darating
sa iyong kandungan
muling maidlip

at kung matutupad
ang dasal sa maykapal
makapiling ka muli
ng isang sandali
ang paskong ito’y
‘di ko ipagpapalit
sa lahat ng paskong
sa aki’y darating

ang tanging hiling
sa paskong darating
hele mo inay
muling marinig
ang tanging hiling
sa paskong darating
sa iyong kandungan
muling maidlip

- kumpulan lirik lagu regine velasquez