lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

bwan - 6ense lyrics

Loading...

[verse 1]

noong una’y walang kasiguraduhan
tila bituin na di mahawakan
ngunit sa dilim, ikaw ang tanglaw
ikaw ang gabay sa aking pangarap

walang imposible, ’pag kasama ka
lahat ng hadlang, ating madadaig
hawak kamay, tayo’y lilipad
higit pa sa langit, ating mararating

[chorus]
ang aking pangarap ay maabot ang alapaap
sabay nating aabutin ang ating pangarap, kasabay ng agos, kahit malakas ang buhos ng ulan
‘di ka bibitawan, hanggang marating natin ang buwan

buwan, ang buwan
buwan, ang buwan
buwan, ang buwan
hanggang marating natin ang buwan

[verse 2]
may bagyo man o unos sa daan
hindi tayo matitinag kailanman
bawat hakbang, pangarap ay lalapit
basta’t magkasama, ‘di tayo lilihis
mula sa lupa, tayo’y aangat
mga pangarap, sa atin nakalatag
minsan ‘di madali, minsan nag*aalinlangan
pero sa piling mo, alam kong kaya natin yan

[chorus]
ang aking pangarap ay maabot ang alapaap
sabay nating aabutin ang ating pangarap, kasabay ng agos, kahit malakas ang buhos ng ulan
‘di ka bibitawan, hanggang marating natin ang buwan

[bridge]
sa dilim ng mundo ako’y ‘yong nakita
di man kita ng mata, madarama..
mga luhang pinunasan
sa’yo ako’y tumahan
sa yakap mong payapa di na mawawala

[chorus]
ang aking pangarap ay maabot ang alapaap
sabay nating aabutin ang ating pangarap

ang aking pangarap ay maabot ang alapaap
sabay nating aabutin ang ating pangarap, kasabay ng agos, kahit malakas ang buhos ng ulan
’di ka bibitawan, hanggang marating natin ang buwan

buwan, ang buwan
buwan, ang buwan
buwan, ang buwan

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...