lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu bulalakaw – blind stereo moon

Loading...

dagli kang gumuhit
sa aking langit
kislap mo’y lumigid
sa ulap lang dumaplis

sanay na, sanay na
kung ‘di ka man manatili
sanay na, sanay na
kong laging nagkukubli
ngunit ang hiling pa rin

guhitan mo’ng aking langit
ng ‘yong kinang kahit saglit
ikaw lang, ikaw lang
munti kong bulalakaw

maglaho ka man
sa paa ng kabundukan
hahanapin ka’t aabangan
sisipat sa kalawakan

sanay na, sanay na
kung ‘di ka man manatili
sanay na, sanay na
kung laging nagkukubli
ngunit ang hiling pa rin

guhitan mo’ng aking langit
ng ‘yong kinang kahit saglit
ikaw lang, ikaw lang
munti kong bulalakaw

sindihan mong tulog kong puso
kulayan mo ang gabing malungkot
ikaw lang, ikaw lang
munti kong bulalakaw

lala lala lalalala
lala lala lalalala
lala lala lalalala lala

isaboy ang ningning sa langit
isigaw ang tunog ng pintig
ikaw lang, ikaw lang
munti kong bulalakaw

hindi ka man magiging bituwin
o di ka man magiging akin
ikaw lang, ikaw lang
munti kong bulalakaw

lala lala lalalala
lala lala lalalala
lala lala lalalala lala

at kung ‘di ka na babalik
pangakong ‘di na masasabik
ikaw lang, ikaw lang
munti kong bulalakaw

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...