lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu source – bugoy na koykoy

Loading...

kinakausap ka na ng bisyo mo
yeah, sa tenga mo pare
ikay binubulungan magkabila pa toh

kinakausap ka na ng bisyo mo
yeah, ikay binubulungan magkabila pa toh at ang sabi ng bato

1st verse:
palagi mo akong binibitbit
pero palagi kitang ginigitgit
sa dulo ng buhay mo gusto kong makita yun
pusher sa inyo gusto kong k-mita yun

kaya nga natutuwa ako pag
ako ang iyong inaatupag
akong rason kung bat parang patapos na
ang buhay mo yo parang pakapos na

naka pause na pagkat walang asesno
ako ang masamang usok hindi ito insenso
akong rason kung bat nabenta mo alahas mo
at kung bakit pati kaibigan mo na-ahas mo

nagnakaw ka na din ng pera pati cell
natutuwa ako sa pisngi papisil
pagkat epekto ko kasing talim ng gunting
kaya lahat ng gamit mo nasa tambunting

2nd verse:
sa isang kurap di mo toh namamalayan
mga kaibigan mo isa-isang nawawala yan
desisyon mo yan sa sarili mo huwes ka
kahit malamig tignan mo naman pawes ka

hindi naman gulat pero mata mo’y dilat
stuck ka na sa kwarto mo nangangamoy bilat
sa gamot ng kamatayan nakipaglaplapan
kinakabahan ka kapag meron nang kapkapan

akong pinagsisimulan ng away at digmaan
ako ay isang bag-y na ang pakay ay hidwaan
direchong buhay mo aking hiniwa pahalang
kaya pamilya mo biglang iniwan ka nalang

kinabukasan mo ako lagi ang pambura
kung tuloy-tuloy ang daloy ako ang pambara
tiwala nawala di ka na pinapautang
pagkat ilang beses na kitang pinapalutang

3rd verse:
tadhana mo ay aking hinanda
at ang ichura mo ang laking tinanda
sa buong mundo ako ang pinaka lason
kaharian ko malakas pa kay lacson

kaya nga sa ilog may kataw-ng naglilitawan
pag natikman ako ay hindi mabibitawan
ako ang dahilan kung bakit may pinaslang
ang teritoryo ko hindi sa pinas lang

umaabot ng tate, columbia, iraq
at kahit saang party pare i rock
nicaragua, brazil, at kahit sa russia
pag may na-recruit ako bibigya ng rush sya

pero walang grasya, disgrasya kahalikan
pinapalaganap ko ang lahat ng kaadikan
di mo ko mapag-aaralan ako ay tricky
buhay mo bagsak ng second round parang si ricky

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...