lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu bintana – repablikan

Loading...

sa pagpikit ko ng mga mata handa ng managinip
kasabay sa paglipad ng aking diwa ang pag-ihip
ng hangin patungo sa lugar na kung saan maari
kang hawakan at yakapin, ‘kaw ang reyna, ako ang hari
ng kahariaan na sa pagdilat ko’y nawawala
pilitin mang pigilin ‘to wala akong nagagawa
upang ang ‘sang katulad mo na sa bintana sinisilip
makasama, makausap ng hindi na pinipilit
dahil sa alam ko na mundo natin magkaiba
sinusundo kana ng boyfriend mong ang kotse ay lima
at nagiba ang mundo ko mula nang di sinasadya
magkabanggaan at nahulog kwintas mong pinasadya
pa at kabibigay pa lamang ng boyfriend mong mayaman
ngunit sa ‘yong mata ay may lungkot na di malaman
na pilit tinatago ng iyong mga ngiti
sana hindi lang sa bintana makikita kang muli

chorus:
hirap at sakit ay di alintana
masilayan ka lang dun sa bintana
lahat ay gagawin upang iyong malaman
ang pagibig ko’y tunay, walang alinlangan

tila yata kapalaran na ang sa ‘kin tumutulong
nang hindi sinasadyang muli tayong magkasalubong
at labis kong kinagulat ng ako ay kausapin
tila ang lahat ng tao’y nakatingin sa akin
tayo’y naging magkaibigan, sumbungan at sandalan
ngunit lahat pala ng mga bagay may hangganan
nang ikaw ay magpaalam na d’on na maninirahan
kung saan ang pagbalik mo ay malabo nang asahan
gusto man kitang pigilan, wala ‘kong nagawa
tila ang lahat ng sa ‘kin ay biglaang nawala
at mula n’on sayo ay di na nagkaroon ng balita
sana’y muli kang makita kahit man lang sa bintana

mula nang nakilala ka
hindi kana naalis sa aking isipan
sana’y malaman mo ang tunay
na nadarama ng puso ko para sa ‘yo…

{repeat chorus}

alam mo bang ikaw lang ang aking mahal
lahat ay gagawin upang iyong malaman
nang ikaw ay dumating sa buhay kong ito
muling umiikot ang aking mundo
sa puso kong ito ikaw ang kailangan
ang pagibig mo dahil minamahal kita…

{repeat chorus}

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...