lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu para san ang tapang mo? – blkd & umph

Loading...

sadlak sa matinding kahirapan
laki sa gutom, pagod, alinlangan
kabataang sawa na sa buhay-alipin

namanatang ubos-lakas na aanihin ang ginhawa
kaya’t nag-umpisa sa bayan at kapaligiran ay nag-obserba nagbasa,
nag-usisa,
‘gang mapag-alamang ang kasaganahan raw ay para lang sa palaban
kaya’t para sindihan ang paninindigan
umanib sa kaisang-isip na kapatiran sumumpa ng alay-buhay na katapatan
sa samahan umano ng matatapang
walang sinayang na panahon
inaral ang kalaban nagparami ng kampon nagsanay upang
katawan ay mapalakas natutong humawak at gumamit ng armas
sa wakas, dumating na ang gabi ng
pagsalakay masusubok na ang bunga ng pagsasanay
tanong mo sa sarili sa paglakad nyo,

“para san ang tapang mo?”

para sa kalayaan? para sa karangalan? para sa katarungan?
para san ang tapang mo? para sa pangalan?
para sa kayabangan? para sa kayamanan? para san ang tapang mo?

bantay-salakay sa kuta ng kalaban
ruta ay naharang, kalkulado ang galawan dumating nang lasing, inasinta
agad-agad pinaulanan ng mga tingga sumunod at kulog ng sagupaan
suntukan, paluan, saksakan,
at tulakan sumbatan at murahan, habang nagpapatayan
saka lang sumambulat na away kababawan lang pala ‘to
mga lango sa pagbabato
yabangan sa salitang binigkas sa kamao agawan ng buhay ng
magkakakapit-bisig bunga lang ng hinala at masamang
t-tig lahat nagsitakbuhan wala nang sumaklolo sa mga napuruhan
tanong mo sa sarili sa pagpanaw mo,
“para san ang tapang mo?”

para sa kalayaan? para sa karangalan? para sa katarungan?
para san ang tapang mo? para sa pangalan?
para sa kayabangan? para sa kayamanan? para san ang tapang mo?

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...