lirik lagu upuan – zelle
kayo po na naka upo,
subukan nyo namang tumayo
baka matanaw, at baka matanaw na nyo
ang tunay na kalagayan ko
ganito kasi yan eh…
verse 1:
tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
malaking bahay at malawak na bakuran
mataas na pader pinapaligiran
at naka pilang mga mamahaling sasakyan
mga bantay na laging bulong ng bulong
wala namang kasal pero marami ang naka barong
lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
mga plato’t kutsara na hindi kilala ang tutong
at ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
at kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
na pag may pagkakatao’y pinag-aagawan
kaya naman hindi niya pinakakawalan
kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
chorus:
kayo po na naka upo,
subukan nyo namang tumayo,
baka matanaw, at baka matanaw na nyo
ang tunay na kalagayan ko
verse 2:
mawalang galang na po
sa taong naka upo,
alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
na nagsisilbing kusina sa umaga’y aming banyo
ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
na nagagamit kapag ang aking ama ay sumweldo
pero kulang na kulang parin,
ulam na tuyo’t asin
ang singkwenta pesos sa maghapo’y pagkakasyahin
di ko alam kung talagang maraming harang
o mataas lang ang bakod
o nagbubulag-bulagan lamang po kayo
kahit sa dami ng pero niyo
walang doktor na makapag papalinaw ng mata niyo
kaya…
wag kang masyadong halata
bato-bato sa langit
ang matamaay wag magalit
o bato-bato bato sa langit
ang matamaan ay
wag masyadong halata
wag kang masyadong halata
hehey, (wag kang masyadong halata)
(wag kang masyadong halata)
yeahhey…
lirik lagu lainnya :
- kumpulan lirik lagu co stanza us › lirik lagu on my mind – co-stanza [us]
- kumpulan lirik lagu mystic healer › lirik lagu standin’ in the line of fire – mystic healer
- kumpulan lirik lagu stargazer › lirik lagu ne/on – stargazer
- kumpulan lirik lagu harry whitehead words harry boardman tune › lirik lagu hard times – harry whitehead (words), harry boardman (tune)
- kumpulan lirik lagu kiingthergors › lirik lagu letter to light – kiingthergors
- kumpulan lirik lagu mohsen chavoshi › lirik lagu ghashange man – mohsen chavoshi
- kumpulan lirik lagu yellasoma › lirik lagu amigo – yellasoma
- kumpulan lirik lagu warwick smith › lirik lagu darling harbour – warwick smith
- kumpulan lirik lagu valley palace › lirik lagu victory lap – valley palace
- kumpulan lirik lagu tellow › lirik lagu we could go all night – tellow