
embotido - anthony meneses lyrics
[verse 1]
ako’y tumigil na kakahabol sa’yo
baka sakaling makita mo ang halaga ko
oh isang taon na rin akong may pagtingin
at noong ako’y umamin sabi mo ako’y gusto mo rin
ako’y naniwala at tila ba parang tadhana
at naghiling pa kay bathala na sana ikaw ay ‘di na mawala pa
ika’y lumayo, di naman tayo ganito dati
ano ba ang nangyayari?
[pre*chorus]
nang dahil sa’yo ako’y nagkakaganito
ang isip ko’y litong lito, natutuliro
oh ano ba ‘yan? ika’y nawala na naman
bigla na lang lumulubog lumilitaw
[chorus:]
ano ba talaga? oh sumosobra ka na
oh kay gulo mo magbigay ng motibo
kailangan ko na na mabasa ka
oh mas mabuti nang ako’y sigurado
alam mo naman na mahina ako pagdating sa iyo
kaya’t sana ay ingatan mo
ang sinasabi mo
dahil hindi sinasadyang ialay ang puso ko sa’yo
[verse 2]
ako’y tumigil na para aking malaman
kung sigurado ka na bang ikaw ay aking ligawan
noon pa nga dapat kita kakalimutan
kaso ‘di ko na kayang lokohin ang aking damdamin na merong pagtingin
ako’y naniwala kaso biglang nawala ka
ba’t nawala ka?
sabi mo di ka pa handa pero may bago ka na
[pre*chorus]
anyare sayo? hindi ka naman ganito
ang isip ko’y litong lito, natutuliro
oh ano ba ‘yan? ika’y nawala na naman
bigla na lang lumulubog lumilitaw
[chorus]
ano ba talaga? oh sumosobra ka na
oh kay gulo mo magbigay ng motibo
kailangan ko na na mabasa ka
oh mas mabuti nang ako’y sigurado
alam mo naman na mahina ako pagdating sa iyo
kaya’t sana ay ingatan mo
ang sinasabi mo
dahil hindi sinsadyang ialay ang puso ko sa’yo
[pre*chorus]
anyare sayo? hindi ka naman ganito
ang puso ko’y litong lito, ako’y natutuliro
oh ano ba ‘yan? ika’y nawala na naman
bigla na lang lumulubog lumilitaw
[chorus]
ano ba talaga? oh sumosobra ka na
oh kay gulo mo magbigay ng motibo
kailangan ko na na mabasa ka
oh mas mabuti nang ako’y sigurado
alam mo naman na mahina ako pagdating sa iyo
kaya’t sana ay ingatan mo
ang sinasabi mo
dahil hindi sinsadyang ialay ang puso ko sa’yo
[chorus]
ano ba talaga? oh sumosobra ka na
oh kay gulo mo magbigay ng motibo
kailangan ko na na mabasa ka
oh mas mabuti nang ako’y sigurado
alam mo naman na mahina ako pagdating sa’yo
kaya’t sana ay ingatan mo
ang sinasabi mo
dahil hindi sinsadyang ialay ang puso ko sa’yo
Random Song Lyrics :
- γεια σου (gia sou) - elli kokkinou lyrics
- stowaway - richy mitch & the coal miners lyrics
- stab your face - k-odd-ik lyrics
- rock 'n roll queen - danien & theø lyrics
- over - spazz cardigan lyrics
- numb - zachadelic lyrics
- numb - junior a lyrics
- proklínám - anacreon lyrics
- la merma - neutro shorty lyrics
- la capuche - shotas lyrics