
kahapon lang - buklod lyrics
[verse 1]
kay daling magbago ng panahon
parang kahapon lang
naglalaro pa tayo ng taguan
tumbang preso at bahay*bahayan
kapit*kamay na nagtatampisaw
sa buhos ng ulan
[verse 2]
napapangiti ‘pag naaalala
ang ating tagpuan sa parang
sa lilim ng punong pinaglalaruan
kamay mo’y aking hinagkan
[pre*chorus]
o, kay bilis ng mga nagdaan
parang kahapon lang
[chorus]
nais kong magbalik sa kahapon
na ating kinagisnan
sa lilim ng mga punong
pugad ng ating pagmamahalan
nais kong madama at maulit
ang kahapong kay saya
nais kong magbalik
sa dati nating daigdig
[verse 3]
bawat taong kay bilis dumaan
halos ‘di ko namalayan
nagising akong alaala na lang
‘tong naiwan sa ating tagpuan
[bridge]
wala na’ng punong pinaglalaruan
saksi sa ‘ting kamusmusan
[chorus]
nais kong magbalik sa kahapon
na ating kinagisnan
sa lilim ng mga punong
pugad ng ating pagmamahalan
nais kong madama at maulit
ang ating nagdaang kay saya
nais kong magbalik
sa dati nating daigdig
[outro]
nais kong magbalik
sa dati nating daigdig
Random Song Lyrics :
- a failed exorcism - the ruins of beverast lyrics
- deidad - lapsus mentis lyrics
- halloween - denace lyrics
- chess - willow beats lyrics
- el escritor de poesías - bambú (mc) lyrics
- 運命 (the chance of love) - tohoshinki lyrics
- see love - leo hainer lyrics
- the letter - read southall band lyrics
- valentine - jessica nathania lyrics
- raylarında şehrin - farazi v kayra lyrics