
pssst! - bullet dumas lyrics
pssst!
tsong, de*kalibre ang nabubuong pangungusap
sa tuwing nababanggit ang palamuti mong pangalan
triya*ta*ta*ta*ta*ta*tan, talatang ‘to’y parang binuo ng
malilikot na salitang nagbibiruang magkaibigan
nagpipikunan, nagkukulitang igan
ika nga, ‘lika nga, dito ka sa ‘king tabi
tulad na tulad, palagi’t palagi
ale, matinding ale
nakikiusap, nabubulol sa nais maipamahagi
‘lika na dine, ‘wag nang tumanggi
utak bumbilya’y ubos na’t pundi
ale, matinding ale
dito at dito mananatili
pssst!
tsong, de*kalidad ang tindig ng bawat pantig na
maligalig at umiibig, umaaligid, patinig, katinig
halina’t makinig sa sulating sa tingin ko ay sigurado nga
at t’yak na t’yak na ‘yong mahihiligan, hmm
halika nga dine, ‘wag nang mag*atubili
damdamin at isipan na’y nayuyupi
ale, matinding ale
pag*asa ko’y hinati’t hinating kalahati
‘lika na dine, ‘wag nang tumanggi
utak bumbilya’y ubos na’t pundi
ale, lagot ka, ale
daw, ikaw, ikaw ang tanging napili, hmm
Random Song Lyrics :
- donde estas yolanda? (china forbes vocals version) - pink martini lyrics
- skywalker - american heretics lyrics
- nadmiar - peja lyrics
- vuelo a la hilacha - los buitres de culiacan sinaloa lyrics
- sonshine - sofa king lyrics
- triple scoop - elizabeth moen lyrics
- cuore e vento - modà lyrics
- miami (remix) - matoma lyrics
- no pude imaginar - qbo lyrics
- биография (bio) - кровосток (krovostok) lyrics