
itay, saan ka man naroroon - chito sibayan lyrics
[verse 1]
itay, saan ka man naroroon
laging naaalala ka
ang mga payo mo’y hindi mawawaglit sa isip ko
kaya ako’y nagsisikap, itay
[verse 2]
mula nang pumanaw ka sa mundo
naging isang panata ko
na taglayin sa buhay ang bawat gintong pangaral mo
kahit ngayong wala ka na, itay
[bridge]
oo nga’t minsa’y may pagkukulang ka
sino kayang tao ang ‘di nagkasala?
kahit anuman ang sabihin nila
ipagtatanggol kita, ‘pagkat kita’y ama
[verse 3]
o itay, saan ka man naroroon
masdan mo ang iyong anak
hinahanap*hanap pa rin ang init ng pagmamahal
na dulot mo sa ‘kin, aking itay
[bridge]
oo nga’t minsa’y may pagkukulang ka
sino kayang tao ang ‘di nagkasala?
kahit anuman ang sabihin nila
ipagtatanggol kita, ‘pagkat kita’y ama
[verse 4]
o itay, saan ka man naroroon
laging naaalala ka
ang mga payo mo’y hindi mawawaglit sa isip ko
kahit ngayong wala ka na, itay
[outro]
ikinararangal kita, itay
Random Song Lyrics :
- different - hancho escushi lyrics
- whoa - *young ant* & ece lyrics
- pee pee gang - pee pee gang lyrics
- time machine - e-dubble lyrics
- água com açúcar - hudysson ferraz lyrics
- rap (original 12" extended mix) - calwin harris-what you came for lyrics
- am fix | day 16 - rick chyme & man lyrics
- von gestern - klaus johann grobe lyrics
- don’t fear the reaper - alixandrea corvyn lyrics
- luz divina - roberto carlos lyrics