
sino ang buwaya? - chudakad lyrics
[verse]
nag tuturuan
sino ang may kasalanan
ang tanong ni juan
nasan ang kaban ng bayan?
kasinungalingan , kapag pera ng usapan
bilyong bilyong paghihirap natin
ang kanilang ginaw*ng puhunan
talaga bang wala nang
takot sa ating ama
ibinigay na biyaya ay kinuha ng iniloklok na buwaya
araw gabi ay laging mamadali
bakasali mag pa utang ng pang ulam pag uwi
k*makapit sa barya*baryang inaabot nila
habang iba ng k*mukuha ng bilyones na pala
tinitiis ang pagod at k*makalam na tiyan
may maibayad lang sa tubig at koryente kada bwan
hindi tulad nila na may gintong palasyong apakan
sa kanilang tahanan galing sa ninakaw na kaban
[chorus]
wag niyo ng i tago
hindi niyo na maloloko
humarap ka sa tao
aminin ang totoo
sinong mandaraya?
sino ang k*mukuha?
sino ang walang konsensya?
sino ba sya, sino ang buwaya?
[verse]
meron ng ibedensya
ngunit sagot ay di raw maalala
biglang nalimutan ang limpak*limapak na
pera sa lamesa
talaga ngang wala nang
respeto at dangal
bumaha lang ng kahirapan at nasira
ang lupang sinilangan
kinurakot buwis buhay ng dakha
ng mga tao sa taas na pilit kang binababa
di alintana ano man ang hihirap ng madla
sila lagi ang tama at walang mali na nagawa
sa kanilang mansion para silang anghel
ibinulsang mga papel kulay asul walang kahel
harap harapan kang sinasakmal
hangang sa madapa
katulad ng multong proyekto na walang nagagawa
[chorus]
wag niyo ng i tago
hindi niyo na maloloko
humarap ka sa tao
aminin ang totoo
sinong mandaraya?
sino ang k*mukuha?
sino ang walang konsensya?
sino ba sya, sino ang buhaya
Random Song Lyrics :
- bethany - apologetix lyrics
- long comes a girl - tyler booth lyrics
- тост - pharaoh lyrics
- moje cztery ściany - sqvbi lyrics
- vision 2020 - bella shmurda feat. olamide lyrics
- fibs - latelatekuro lyrics
- ya no lloro - niqo de hgc lyrics
- where is my mind - aidan saunders lyrics
- not afraid - lih lyrics
- you deserve the best - david mallett lyrics