maging isang bayani - cooky chua lyrics
[verse 1]
“paano maging bayani?” madalas kong tanungin
sa kisig ba’t talino? pagdanak ng dugo?
mga kilala kong bayani, lahat nakahimlay
mayro’n kayang bayaning sa ngayon ay nabubuhay?
[verse 2]
isang inang lumayag tungong ibang bansa
dumanas ng hirap, matinding pag*iisa
kaniyang naging gabay, pag*ibig sa pamilya
‘di ba’t tulad niya ang matatawag na dakila?
[pre*chorus]
karaniw*ng tao
pambihirang puso
kaniya*kaniyang giting
kaniya*kaniyang galing
[chorus]
may angking kabayanihan ang bawat isa
‘di man napupuna, dakila rin pala
gising na kabayan, ba’t ‘di natin subukan?
huwag lang maging saksi, maging isang bayani
[verse 3]
sundalong ang hangad ipagtanggol ang bayan
ang para sa sarili, handang talikuran
tungkulin ng sundalo, sa ati’y walang halaga
ngunit ‘di ba siya ay karapat*dapat na dakila?
[verse 4]
sa labas ng tahanan, may tumatayong magulang
kaniyang pinupunan pagkukulang ng lipunan
binibigyang halaga kapakanan ng bata
‘di ba’t ang guro’y maituturing ding dakila?
[pre*chorus]
karaniw*ng tao
pambihirang puso
kaniya*kaniyang giting
kaniya*kaniyang galing
[chorus]
may angking kabayanihan ang bawat isa
‘di man napupuna, dakila rin pala
gising na kabayan, ba’t ‘di natin subukan?
huwag lang maging saksi, maging isang bayani
[bridge]
yapak nila ay ating sundan
halina’t tularan
[chorus]
may angking kabayanihan ang bawat isa
‘di man napupuna, dakila rin pala
gising na kabayan, ba’t ‘di natin subukan?
huwag lang maging saksi, maging isang
maging isang bayani
Random Song Lyrics :
- fear (slushii remix) - logic lyrics
- latino - xaxanity lyrics
- pasta salad / opp - wekko lyrics
- la casita de la selva - vivir quintana lyrics
- en rosalie - zélie lyrics
- kidung wahyu kolosebo - trio macan lyrics
- digital - flesh lyrics
- выше неба(above the sky) - stoned junkie lyrics
- crackcity - azzi memo lyrics
- viel zu groß ist die welt - mephistos lyrics