shanghai (2025 remaster) - eleazar galope lyrics
[verse 1]
isang gabi noong nagkita tayo
natatandaan ko pa, malapit no’ng mag*pasko
sumisilip, sumusulyap lang sa tingin mo
na singkinang ng mga talang nakikita ko
[pre*chorus]
ano pa nga ba ang magagawa ko
kung hanggang tingin na lang ako sa ’yo?
[chorus]
kapag humihingi ako sa ‘yo ng pansin
sana man lang kasi, iyong lingunin
kahit isang kaway lang naman ng iyong kamay
kasabay ng ‘yong tingin at ng iyong
isang “hi”
[verse 2]
limang gabi na tayong nagkikita (limang gabi na tayo)
nagtatanong sa isip, “ano’ng pangalan niya?”
buhat sa mga ngiti mong ‘di mawala*wala (ah)
kaya ngayong simbang gabi, hiling ko’y himala
[pre*chorus]
ano pa nga ba ang magagawa ko
kung hanggang ngiti na lang ako sa ‘yo?
[chorus]
kapag humihingi ako sa ‘yo ng pansin
sana man lang kasi, ika’y tumingin
kahit isang kaway lang naman ng iyong kamay (ah)
kasabay ng ‘yong tingin at ng iyong
isang “hi”
[verse 3]
ngayong gabi na ang misa de gallo
alam ko nang hindi na tayo magtatagpo
at kung hindi ko man masabi ang nasa puso ko
ibubulong na lang ito sa sarili ko, woah*woah
[chorus]
ano pa nga ba ang magagawa ko?
alam ko nang hindi na tayo magtatagpo
dahil ikaw na lang ang aking hinihintay
makuha ko ang ‘yong tingin at ang iyong
ano pa nga ba ang magagawa ko?
(ano pa nga ba ang magagawa ko?)
alam ko nang hindi na tayo magtatagpo
dahil ikaw na lang ang aking hinihintay
makuha ko ang ‘yong tingin at ang iyong
[outro]
makuha ko ang ‘yong ngiti at ang iyong
makuha ko ang ‘yong tingin at ang iyong
isang “hi”
Random Song Lyrics :
- island people - soultree lyrics
- chair - gun dog lyrics
- metamorphosis - michael webster lyrics
- ysl - tana lyrics
- bones - bonnie stewart lyrics
- tırnaklar yarım - grogi lyrics
- stay out - worthi lyrics
- cash - macse lyrics
- triple trouble encore - with lyrics (xeno sections only) - bill exists lyrics
- 君へ (kimi e) - royal mirrorball mix - 東京女子流 (tokyo girls' style) lyrics