
ang mga mapapalad - fr. eduardo hontiveros sj lyrics
[verse 1]
mapalad ang mga dukhang sa yaman ay salat
makakamit nilang lubos kaharian ng diyos
mapalad ang maralitang mababa ang loob
mana nila’y nakalaan, mundo’y makakamtan
[chorus]
magdiw*ng sa tuwa’t galak, kayo, mga sintang anak
akong diyos n’yo naririto mamahalin kayo
[verse 2]
mapalad ang naghahanap sa tama at matuwid
lakas ng diyos ilalaan sila’y masisiyahan
mapalad ang nalulumbay: silang aaluin
mapalad ang mahabagin: awa’y tatanggapin
[chorus]
magdiw*ng sa tuwa’t galak, kayo, mga sintang anak
akong diyos n’yo naririto mamahalin kayo
[verse 3]
mapalad ang nasa mundong tagapagtiwasay
babansagan silang lubos mga anak ng diyos
mapalad ang api’t aba sa ngalan ng mat’wid
kahariang mapanubos ang siyang handog ng diyos
[chorus]
magdiw*ng sa tuwa’t galak, kayo, mga sintang anak
akong diyos n’yo naririto mamahalin kayo
Random Song Lyrics :
- to be young and in love - the outcharms lyrics
- studio vices - fearlessmenace lyrics
- old bones - ross alan lyrics
- isla - aly remulla lyrics
- sober kiss (first version live) - wicked lounge lyrics
- freestyle lol - rjldiablo lyrics
- resume - dj muggs lyrics
- the martyrs of new castle, pa - matt summington lyrics
- don't be a hippie - the judy's lyrics
- summer night o8 - justin nozuka lyrics