
umiibig ako - imelda papin lyrics
[verse 1]
umiibig ako sa isang nilalang
na wala ng kalayaan
sa batas ng tao at sa batas ng diyos
’di ko siyang maaaring angkinin
[verse 2]
kapwa taos sa puso ang aming pagsuyo
’di namin sinadyang kami’y magkatagpo
sumibol sa dibdib, bawal na pag*ibig
na maituturing kong tanging lig*ya ko
[chorus]
umiibig ako
sa isang taong wala ng kalayaan
bakit nangyari pang kami’y pinagtagpo
ng ating maykapal
umiibig ako
unang pang*ibig ko bakit siya pa
oh, diyos ko!
sadya bang ganito
ang umibig ng tapat
luha ang dulot nito
[verse 3]
kahapon, kagabi kami ay nagkita
upang wakasan ang lahat
kapwa lumuluha, kay hapdi ng sugat
ngunit wala kaming magagawa
[verse 4]
paano kong lilimutin suyuang kay lambing
na sa kanya ko lang natagpuan
hanap*hanapin ko halik niyang kay tamis
at mga yakap na anong higpit
[chorus]
umiibig ako
sa isang taong wala ng kalayaan
bakit nangyari pang kami’y pinagtagpo
ng ating maykapal
umiibig ako
unang pang*ibig ko bakit siya pa
oh, diyos ko!
sadya bang ganito
ang umibig ng tapat
luha ang dulot nito
Random Song Lyrics :
- la vieja espuela - mustafunk lyrics
- clout demons - kiid spyro lyrics
- wainame - sailors lyrics
- band pop - waka flocka flame & slim dunkin lyrics
- dror yikra - דרור יקרא - boaz shar'abi - בועז שרעבי lyrics
- deixa eu te mostrar - ravena lyrics
- there for tomorrow - radio - jåck ford lyrics
- vex money - hello operator lyrics
- alcen las manos - la base (musical) lyrics
- i don't like that part - seckond chaynce lyrics