lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

atsay ng mundo - inang laya lyrics

Loading...

[verse 1]
namamalat na nga ang tinig, tuyo pa ang lalamunan
k*mikirot*kirot ang ulo, sikmura’y k*makalam
maghapong nakapilipit sa kanyang silid*aralan
naiinip, naghihintay sa oras ng uwian

[verse 2]
suweldo’y kakapurit, ginhawa’y ‘di madama
sa kakulangan ng palad, pobreng guro’y nagsawa
dala ng pagkabigo, ang ating tuwid ay nagpasiya
na mag*alsa balutan patungo sa amerika

[verse 3]
nag*abroad si mila
walang tangay kundi maleta
tanging baon ay kanyang diploma
magti*tnt at gagawa ng pera

[bridge]
naghanap ng trabaho, sinuyod ang pahayagan
bawat matagpuang bakante ay sinubukang applyan
pitong buwan niyang inabangan ang tawag ng kapalaran
nang dapuan ng suwerte, sa wakas, ay nagtagumpay

[verse 4]
karwahe ng pangarap, ngayo’y metal na kariton
lulan nito’y lampasong konsorte sa maghapon
ang kanyang traheng pormal, isang naninilaw na apr*n
winiwisik na pabango, mga panlinis na lason
[bridge]
naghanap ng trabaho, sinuyod ang pahayagan
bawat matagpuang bakante ay sinubukang applyan
pitong buwan niyang inabangan ang tawag ng kapalaran
nang dapuan ng suwerte, sa wakas, ay nagtagumpay

[verse 5]
domestic na si mila, anim*isang oras ang halaga
sagad sa pagod, kulang ang kita
nagwawalang*kibo, nagtitiis, nagtiyatiyaga
kaawa*aw*ng mila, dating guro, ngayo’y alila
pangarap niya’y nauwi lang sa bula

[outro]
kailan ka lalaban?
kailan ka lalaya?
kailan?

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...