
base militar - inang laya lyrics
[chorus]
base militar, armas na nukleyar
ito’y kahibangan na dapat hadlangan
base militar, armas na nukleyar
ito’y kahibangan na dapat hadlangan
[verse 1]
animnapu’t limang libong ektarya
binakuran at inangkin ng banyaga
sa angeles at sa gapo
base militar ng mga kano
[verse 2]
mga base militar ay tiyak na tambakan
ng armas nukleyar na walang pakinabang
ito ay daungan ng armadong sasakyan
dumarating na lingid sa ating kaalaman
[chorus]
base militar, armas na nukleyar
ito’y kahibangan na dapat hadlangan
base militar, armas na nukleyar
ito’y kahibangan na dapat hadlangan
[verse 3]
pampalipas libog ng mga sundalo
pagbibigay hilig sa kanilang mga bisyo
manikang buhay na nilalaro
libangan lamang ng mga kano
[verse 4]
sa base militar ay walang katarungan
banyaga’y hari sa ating bayan
baboy damo ang trato sa tao
at walang karapatan ang mga pilipino
[chorus]
base militar, armas na nukleyar
ito’y kahibangan na dapat hadlangan
base militar, armas na nukleyar
ito’y kahibangan na dapat hadlangan
[verse 5]
aksidenteng nukleyar o digmaan ng kano
tiyak na kasangkot ang pilipino
pinsala’t dusa’t kapahamakan
base militar ang pagmumulan
[verse 6]
mga base militar ang lantarang katibayan
ng ating huwad na kalayaan
ang kawalaan ng tunay na kapangyarihan
at paglapastangan ng ating kasarinlan
[chorus]
base militar, armas na nukleyar
ito’y kahibangan na dapat hadlangan
base militar, armas na nukleyar
ito’y kahibangan na dapat hadlangan
hadlangan
hadlangan
[outro]
hadlangan
Random Song Lyrics :
- ta på dej den röda jumpern, baby - rolandz lyrics
- 9th hokage - chxpo lyrics
- dear self - sg4lif3 lyrics
- color of ideas - killah priest lyrics
- boom - biggie lyrics
- znowu - young igi lyrics
- l'unica - perturbazione lyrics
- høvlerivisa - vømmøl spellmannslag lyrics
- going to cailforina - led zepagain lyrics
- qu'on en finisse - sabry mjnoon lyrics