
pag-ibig sa tinubuang lupa - inang laya lyrics
[intro]
aling pag*ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag*ibig sa tinubuang lupa
aling pag*ibig pa? wala na nga, wala
[verse 1]
walang mahalagang hindi inihandog
ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop
dugo, yaman, dunong, katiis at pagod
buhay ma’y abuting magkalagot*lagot
[verse 2]
ang nakaraang panahon ng aliw
ang inaasahang araw na darating
ng pagkatimawa ng mga alipin
liban pa sa bayan, saan tatanghalin
[verse 3]
sa abang*abang mawalay sa bayan
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang alaala’t inaasam*asam
kundi ang makita’y lupang tinubuan
[verse 4]
kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
ng bala*balaki’t makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag
[verse 5]
ipakahandug*handog ang buong pag*ibig
hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit
ito’y kapalaran at tunay na langit
[outro]
aling pag*ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag*ibig sa tinubuang lupa
aling pag*ibig pa? wala na nga, wala
Random Song Lyrics :
- messo male - disme lyrics
- my baby's gone - the backsliders lyrics
- sám som nič (ty ne?) (feat. gramo rokkaz) - tono s. lyrics
- meu lugar - day lyrics
- lado b - iza lyrics
- agora é sua vez - dennis dj lyrics
- armance, théo, marcel et les autres aussi - têtes raides lyrics
- lullaby (calvo remix) - sigala & paloma faith lyrics
- scorin - bearcap lyrics
- feel. remix - simplisity lyrics