balang at buwitre - isurge music lyrics
hoy
hanggang kailan kami magtitiis
hanggang kailan kami kakain ng alikabok
habang kayo’y lumalamon ng kaban ng bayan
gabi*gabi, walang ulam, kanin lang sa mesa
mga bata’y umiiyak, gising sa problema
habang sa palasyo, halakhak ang musika
mga baboy sa lamesa, gutom ng masa’y
biro lang sa kanila
balang kayo
sinimot ang bukid, iniw*ng disyerto
pag asa’y, ninanakaw, ginaw*ng kalbaryo
buwitre kayo
nakikipag agawan sa bangkay ng bayan
habang kami’y duguan, kayo’y may kasayahan
balang buwitre
mga baboy na gahaman
walang puso, walang hiya
nilamon ang kinabukasan
balang buwitre
sinakal ang kalsada
pero hindi kami titigil
sigaw ng tao’y hustisya
trabahador, magsasaka
k*makayod buong araw pero baon sa utang
lagi silang minamaliit at tinatawanan
habang ang buwitre, nakaupo sa trono
inaagaw ang dugo ng pawis
parang sila ang may ari ng mundo
pork barrel pork barrel
baboy na abusado
nakaupo sa senado
pero bulsa ang pinapaso
kami sweldo lang ang hawak
kayo’y bilyon ang kinulimbat
kaya ngayon sa kalsada sigaw namin magbayad
balang buwitre
mga baboy na gahaman
walang puso, walang hiya
nilamon ang kinabukasan
balang buwitre
sinakal ang kalsada
pero hindi kami titigil
sigaw ng tao’y hustisya
hindi kami mananahimik
hindi kami titigil
hanggang ang buwitre bumagsak
hanggang ang baboy ay managot
hanggang ang balang ay masunog sa apoy ng bayan
Random Song Lyrics :
- 오늘 (vocal 차세정) - 에피톤 프로젝트 feat. 차세정 lyrics
- scarecrows - luke bryan lyrics
- flossin' (freestyle) - fetty wap lyrics
- we used to be in love - clean cut kid lyrics
- anjing sampah - f.o.d. lyrics
- str8 ballin - schoolboy q lyrics
- going home - mad clown feat. gun lyrics
- la péronnelle - malicorne lyrics
- the shattered image - frozen infinity lyrics
- starvation 5 [tracklist + artwork] - ace hood lyrics