boses ng kalye - isurge music lyrics
sa bawat kanto, sigaw ng gutom ang maririnig
habang sa palasyo, sigaw nila ay sa konsyerto
barya ang sa mesa, trilyon ang binubulsa
ang pangarap ng bayan, ngayo’y unti*unting naglalaho
hindi na kaya ng masa, hindi na kaya ng puso
hanggang kailan kami magbabayad para sa kanilang mga pang*aabuso
boses ng kalye, umaalingawngaw
sigaw ng masa, di na kayang pigilan
kung wala kayong puso, mamamayan ang huhusga
hindi kami bibitaw, bayan ang kasama
sama*sama kaming maghahanap ng hustisya
mga halakhak ng politiko, parang kutsilyong bumabaon
sa dibdib ng taong bayan
sa pawis ng manggagaw*ng pilipino, nanggagaling ang yaman nyo
habang nagdiriw*ng sila sa pagnanakaw ng kaban ng bayan
ang taong bayan ay nilulunod sa utang at kawalan
hindi na kaya ng sikmura, hindi na kayang pigilan
ang galit ng mamamayan, malapit nyo nang matikman
boses ng kalye, umaalingawngaw
sigaw ng masa, di na kayang pigilan
kung wala kayong puso, mamamayan ang huhusga
hindi kami bibitaw, bayan ang kasama
sama*sama kaming maghahanap ng hustisya
kung hindi nyo kami maririnig sa lansangan
dadalhin ang awit at galit
bawat ina, bawat anak, bawat ama
isang tinig, hustisya
hustisya!
boses ng kalye, apoy ay naglalagablab
hindi kami titigil hanggang hustisya’y matanggap
kung wala kayong puso, kami may lakas
bayan ko, bumangon ka, panahon na para lumaban
boses namin, hindi nyo kayang patahimikin
Random Song Lyrics :
- kom ga mee - piet woudt lyrics
- instinct - bedlocked lyrics
- ano nga ba - 1001 productions lyrics
- tequila - niko g lyrics
- ferrari (cheyenne giles remix) [mixed] - james hype & miggy dela rosa lyrics
- leprechaun's aren't real - roamck lyrics
- we’re all dead and we don’t even know - dan bonnibell lyrics
- car crash culture - the xcerts lyrics
- время летит (time flies) - azuko lyrics
- рвутся фото (the photos are tearing) - кариолемма (karyolemma) lyrics