sarsuwela ng bayan - isurge music lyrics
sa entablado ng kongreso
paulit*ulit ang dula
mga pangakong binibitawan
na uuwi sa wala
habang ang bulsa’y lumulobo
ang bayan ay lumuluha
trilyong piso’y naglalaho
sa ilog ng katiwalian
tayong mga pamilyang pilipino
tayo ang nagbabayad
tayong pinipilit na manahimik at magtiis
hanggang kailan kami magiging biktima
hanggang kailan lulunurin ng inyong mga gawa
boses ng bayan ngayon ay sumisigaw
di na kami manonood ng inyong sarsuwela
bayan ang nagdurusa
sa bawat kasinungalingan
pader ng palasyo
hindi kailanman maabot ng mamamayan
ngunit sa bawat baradong ilog at k*n*l
nandon ang dugo, pawis at pag*asa ng bayan
tayong nagtatanim
tayong nagbubungkal
ngunit trilyon ang ninanakaw sa ating mga danggal
hanggang kailan kami magiging biktima
hanggang kailan lulunurin ng inyong gawa
boses ng bayan ngayo’y sumisigaw
di na kami manonood ng inyong sarsuwela
kung ang puso ng makapangyarihan ay bato
ang puso ng pilipino’y apoy na naglalagablab
pagod na kami, sawa na kami
bayan ko, bumangon ka!
isigaw ang hustisya!
hindi na kami tatanggap ng inyong palabas
hindi na kami mananahimik sa inyong patalastas
boses ng bayan, apoy na naglalagablab
sarsuwela nyo’y luluhod sa galit ng taongbayan
hindi kami biktima
kami ang lakas ng bansa
Random Song Lyrics :
- litigare a capodanno - brenneke lyrics
- new york doll - david dundas lyrics
- who knows where the time goes - lizz wright lyrics
- navidad perfecta - julissa lyrics
- mitä kuuluu? - ellimei lyrics
- bridge over troubled water - polly gibbons lyrics
- straight outta barcelona - ultralone & praccibtz lyrics
- crack is wack - kaziseyr lyrics
- digits - hxzz lyrics
- dilersi - ajs nigrutin lyrics