pahinga - ivan benedict lyrics
[verse 1]
hindi mo na ba alam ang mga nangyayari? (yari, yari)
marami ka bang narinig sa’yong nakatabi? (katabi, katabi)
malabo ang mga sinabi, pakiramdam ay ‘di mawari
hinahanap na lamang ulit ang sarili
[pre*chorus]
tumingin ka sa malayo
kapag ika’y naninibago
ayos lang kung ikaw ay magtataka
huminto’t huminga at halika na
[chorus]
sumama ka na’t maghanap tayo ng pahinga
alam mo bang kailangan mo ring magpahinga?
masiyado nang maingay at magulo
sumama na’t maghanap ng bagong anggulo
[post*chorus]
mmm
pahinga, pahinga
gusto mo bang sumama?
[verse 2]
sa init ng araw, tayo ay mabighani (bighani, bighani)
damhin natin ang preskong simoy ng hangin (hangin, hangin)
iwanan ang mga problema, isama ang gustong sumama
hanapin muli ang nais na makita
[pre*chorus]
tumingin ka lang sa malayo
kapag ika’y naninibago
ayos lang kung ikaw ay magtataka
huminto’t huminga at halika na
[chorus]
sumama ka na’t maghanap tayo ng pahinga
alam mo bang kailangan mo ring magpahinga?
masiyado nang maingay at magulo
sumama na’t maghanap ng bagong anggulo
[coda]
masiyado nang maingay at magulo
sumama na’t maghanap ng bagong anggulo
Random Song Lyrics :
- every opp shot pt2 ft cblu - kaydag lyrics
- дядо коледа трапсодия (santa claus trapsody) - orli anrow lyrics
- hələ mən ölməmişəm ki (official audio) - üzeyir mehdizadə lyrics
- cada día te quiero más - marca mp & nivel lyrics
- the boredom is the reason i started drowning - the cd smashers lyrics
- 94 - loniq lyrics
- i don't play pretty music - sick pleasure lyrics
- that's the way - able delilah lyrics
- white christmas - hpkritical lyrics
- vida mía - ñusta picuasi lyrics