
manong pawikan - joey ayala at ang bagong lumad lyrics
[verse 1]
manong, manong pawikan
tahanan ay pasan*pasan
wala ba kayong mapaglagyan
sa lupang kinagisnan
[verse 2]
sa hampas ng alon
sa agos ng daang*taon
patuloy kayong gumagapang
yapos*yapos ng putikan
subalit sa laot
laya niyo’y natitikman
lumulutang, sumisisid
sa kailalim*laliman
[verse 3]
o manong pawikan
ako sana’y turuan niyo
kung ano ang paraan
na ang mabigat ay gumagaan
[verse 4]
manong, manong pawikan
tayo ba’y magkaangkan
ako ma’y may tahanan
subalit walang mapaglagyan
[verse 5]
ang lupang namalayan ko’y
punung*puno ng bakuran
na lalong pinatibay
ng titulo’t kasulatan
o manong pawikan
di ko maintindihan
ang lupang pinanggalingan ko
ng*yo’y ari*arian
[verse 6]
o manong pawikan
ako sana’y turuan niyo
kung ano ang paraan
na ang mabigat ay gumagaan
[outro]
ah ah ah
Random Song Lyrics :
- enkle ting - siri nilsen lyrics
- daydreaming (intro) - epidemic (rapper) lyrics
- nach dem winter (demo 2003) - equilibrium lyrics
- get me golden - terraplane sun lyrics
- hijo de pastor - alex zurdo lyrics
- the response (kendrick diss) - uncle murda lyrics
- barcelona - jao lyrics
- fräulein bird 2 - maeckes lyrics
- i saw mommy kissing santa claus - the platters lyrics
- someone new - nick howard lyrics