
tingnan n'yo - joey ayala at ang bagong lumad lyrics
[verse 1]
pitong libong isla sa dagat
arkipelago
batong basag, bansang buo
animnapung milyong tao dito ay namumuhay
minsa’y nagkaisa, minsa’y hiwa*hiwalay
[verse 2]
tingnan niyo, tingnan niyo
ang lupang ito
basag na pangarap sa sahig ng mundo
tingnan niyo, tingnan niyo
ang lupang ito
halina’t pulutin ang pira*piraso
[interlude]
[verse 3]
dal’w*ng dekada ng dilim
ng*yo’y lumipas na
nguni’t may aninong natitira
digmaang tahimik, digmaang pabulong
digmaang mapayapa
halik ng tingga ay ‘di madama
[verse 4]
tingnan niyo, tingnan niyo
ang lupang ito
ang anak niyang magiting
ang siyang nagtago
tingnan niyo, tingnan niyo
ba’t ba ganito
sa kamay ng panday
ay baril at punglo
[bridge]
ha ha ha ha
ha ha ha
ha ha ha ha
ha ha ha ha
ha ha ha
ha ha ha ha
[verse 5]
o mga kapatid sa biyak na bato
ilan pa ang papanaw nang bansa’y mabuo?
halina’t iwanan ang lumang digmaan
panibagong laranga’y ating subukan
o mga kapatid sa biyak na bato
ilan pa ang papanaw nang bansa’y mabuo?
halina’t iwanan ang lumang digmaan
panibagong laranga’y ating subukan
Random Song Lyrics :
- так бывает (it happens) - twelve moments lyrics
- blown to bits - the box social lyrics
- toxisch - ebow lyrics
- wasting woes - fresh cut slim lyrics
- por la carretera - los vasquez lyrics
- der uhyliant - пацюки (patsyuky) lyrics
- cuando voy a parar* - m huncho & morad lyrics
- evimi yıxma - roya lyrics
- the home where you grew up - erin cald lyrics
- actions interval. - haloo! lyrics