
bata-batuta - joey ayala lyrics
[verse 1]
bata batuta, isang pera muta
‘di ka mahal ng mundo
inulila’t iwinala
sino ang aangkin sa iyo?
[verse 2]
bata batuta, isang perang muta
saan ka nga ba nanggaling
ikaw ba’y hulog ng langit
o bunga ng putik at lupa
[verse 3]
magulang mo’y walang mukha
alaalang ibinaon sa s*m*nto
panaginip mo’y napupuno
ng ‘di nakikilalang mga tao
[verse 4]
‘pagkat kulang sa pag*ibig
ang kinaroroonang mundo
sa paglaki, matututunan mong
manakit at manloko
[verse 5]
ngunit sa ibabaw ng lahat
ako’y pinahahanga mo
saan nakukuha ang lakas
makipaglaro sa aspalto
[verse 6]
o bata batuta, umasa ka at mangarap pa
panahon lamang ang namamagitan
sa ng*yon at sa bukas
at iyo ang bukas
[instrumental break]
[verse 7]
bata batuta, isang perang muta
ikaw ang binhi ng buhay
sa taglay mong pangarap
ang bukas ay naghihintay
naghihintay
[outro]
hmm hmm hmm
Random Song Lyrics :
- these streets are hot - tg millian, blanco & harlem spartans lyrics
- wait for me - bop & subwave lyrics
- lento - nassiry lugo lyrics
- que pasa - casar lyrics
- avalon cypher - orleans 45 ft. njd, kenedymla, yorssy - avalon music lyrics
- upside - gable price and friends lyrics
- no1 - m1v lyrics
- die moeite werd - riana nel lyrics
- nobody gives a fuck - dhwrld lyrics
- triste pt.1 - psichiatri.ts official lyrics