
di kayang pilitin - klarisse lyrics
[verse 1]
nandito na naman sa ‘yong tabi
tila nagtataka kung bakit nga ba
‘di naman masabi na sa’yo’y ‘di makita
ang mayro’n s’ya, puso’y naninimbang
[pre*chorus]
lahat ng nakikita’y iba’ng gumaganap
malayo sa lahat ng inakala mong dapat
[chorus]
hindi ko naman sinasadya na umibig sa kanya
ligaya sa ‘yo’y ‘di maramdaman
sana ang puso’y kayang turuan na ikaw ang mahalin
ngunit ‘di kaya, ‘di kayang pilitin, hmm
[verse 2]
iba’t ibang pagkakataon, sinubukan kong sundin
bulong ng isip, hadlang man ang damdamin
hindi ko maamin na sa ‘yo’y ‘di makita
ang mayro’n s’ya, oh, ‘di ko alam
[pre*chorus]
‘pagkat lahat ng nakikita’y iba’ng gumaganap
malayo sa lahat ng inakala mong dapat
[chorus]
hindi ko naman sinasadya na umibig sa kanya
ligaya sa ‘yo’y ‘di maramdaman
sana ang puso’y kayang turuan na ikaw ang mahalin
ngunit ‘di kaya, ‘di kaya
[bridge]
alam ko, binigay mo ang lahat
kahit pa hindi magawa na pantayan
lahat ng ginawa mo para sa ‘kin
pasensya ka na, alam kong masakit
[chorus]
hindi ko naman sinasadya na umibig sa kanya
ligaya sa ‘yo’y ‘di maramdaman
sana ang puso’y kayang turuan na umibig sa iyo
ngunit ‘di kaya, ooh, whoa
[outro]
ang puso’y kayang turuan na umibig sa iyo
ngunit ‘di kaya, ‘di kayang pilitin
Random Song Lyrics :
- mini van - frvrgamedayy lyrics
- mafhmtensh - مافهمتنيش - angham - أنغام lyrics
- противоречия - buffalnik lyrics
- el sillón - alfredo olivas lyrics
- friend - the answer is no lyrics
- paga de superado - mc dricka lyrics
- make you rich - afta hill lyrics
- catalina - matías. (arg) lyrics
- undertow - tsu nami & marlhy lyrics
- druggy with hoes pt. 3 - schoolboy q lyrics