artists: a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9

lirik lagu loob ng selda – centerpoint

sa loob ng seldang ako ang may gawa
di ko mabilang ang mga bangungot at pagpatak ng luha
di ko sigurado kung may bukas pa
hinihiling na buhay ay matapos na
sing nipis ng isang tingting ng walis ang pag-asa
di mabayaran ang kasalanan ko
di rin mabayaran ang kalungkutang nararamdaman sa puso
sana may puso pa ako
ang tanging kaya kong gawin ay ang pagdaraasal
nawa’y sa kulit ang diyos ay di nasasakal

pre-chorus
inakala kong langit pero nahulog sa sakit
kung puwede lang ulitin ay di ko an gagawin

chorus
habang may bukas may pag-asa
ika’y lalaya
ang pagdurusa ay mawawala
di maglalaon babangon kang muli

sa loob ng seldang ako ang dahilan
sa puso kong nakakulong sa sintensiyang anak ng kasalanan
mabuti pa ang pagkaing preso na kaya ko pang lunukin
pero himala nalang ang katapat para lamang matiis ko parin ang lungkiot
ang bawat gabing di makatulog
ang pagnanais na mawala na ang poot ng bawat araw na ginuguhit ko
mga linya sa pader na nagpapaalala
di ako tunay na buhay kung hindi ako malaya

pre-chorus
chorus

sa loob ng seldang ako ang may gawa
sa lubos na pagsisisi’t pagpatak ng luha
ang magsimulang muli at ayusin ang dangal
ay ilan sa libulibong aking dinarasal
ang makitang muli ang tamis at ngit ng mga mahal sa buhay
ang makapaglakad sa kalye ng walang posas, walang rehas
at kahit pa walang guwardyang sa’kin ay nakatingin
ako’y mapapalaya dahil wala nang masamang gagawin

pre-chorus
chorus

at sa liwanag ay mabubura ang dungis
ang dungis ng ‘yong puso

- kumpulan lirik lagu centerpoint