
imahe - magnus haven lyrics
[verse 1]
kinukulayan ang isipan
pabalik sa nakaraan
‘wag mo ng balikan
patuloy ka lang masasaktan
hindi nagkulang kakaisip
sa isang magandang larawan
paulit-ulit na binabanggit
ang pangalang nakasanayan
[pre-chorus]
tayo ay pinagtagpo
ngunit hindi tinadhana
sadyang mapaglaro itong mundo
[chorus]
kinalimutan kahit nahihirapan
para sa sariling kapakanan
kinalimutan kahit nahihirapan
mga oras na hindi na mababalikan
[post-chorus]
pinagtagpo
ngunit hindi tinadhana
puso natin ay hindi
sa isa’t-isa
[verse 2]
hindi na maibabalik ang dati nating pagsasama
ang tamis ng iyong halik ay di na madarama
pangako sa isa’t-isa ay ‘di na mabubuhay pa
paaalam sa ‘ting pagibig na minsa’y pinag-isa
[pre-chorus]
tayo ay pinagtagpo
ngunit hindi tinadhana
sadyang mapaglaro itong mundo
[chorus]
kinalimutan kahit nahihirapan
para sa sariling kapakanan
kinalimutan kahit nahihirapan
mga oras na hindi na mababalikan
[post-chorus]
pinagtagpo
ngunit hindi tinadhana
puso natin ay hindi
sa isa’t-isa
[bridge]
kinalimutan kahit nahihirapan
para sa sariling kapakanan
kinalimutan kahit nahihirapan
pagibig na ating sinayang
[breakdown]
pinagtagpo
ngunit hindi tinadhana
hanggang dito na lang tayo
[chorus]
kinalimutan kahit nahihirapan
para sa sariling kapakanan
kinalimutan kahit nahihirapan
mga oras na hindi na mababalikan
[post-chorus]
pinagtagpo
ngunit hindi tinadhana
puso natin ay hindi
sa isa’t-isa
Random Song Lyrics :
- armée de mots - stovskii lyrics
- o.world - the lethalogist lyrics
- fuck with me - maze, kid rick & jaywalk lyrics
- searching - fuzzylogicbaby lyrics
- chup re(stfu) - the yey lyrics
- real life - kay lyrics
- man o' le' year - y. teezy lyrics
- fénix - jepe lyrics
- licence to kill - tru k lyrics
- poor thing - joe jackson lyrics