
masdan, tingnan ang buhay - malou evidente lyrics
[verse 1]
masdan mo ang tawa ng
isang batang naglalaro sa ulan
‘di ba’t nakakahawa ang kanyang tuwa, pati sigla?
tingnan mo ang mata ng
isang dalagang natututong magmahal
lipad ng ibon at patak ng pag*ulan, minamasdan
[chorus]
kay rami*raming mga bagay sa buhay na ito (buhay)
na nagbibigay*awit at kulay sa mundo (kulay sa mundo)
buksan ang bintana at dumungaw sa kabuhayan
[verse 2]
pakinggan ang tinig ng
mang*aawit sa una niyang pagtanghal
‘di ba’t tila naririnig ang pagtibok ng puso niya?
pagmasdan ang luha ng
isang lumpo na natututong tumayo
‘di ba’t akala mo’y ‘pagkailanman na siyang nakatayo
[chorus]
kay rami*raming mga bagay sa buhay na ito
na nagbibigay*awit at kulay sa mundo
buksan ang bintana at dumungaw sa kabuhayan
[verse 3]
pakinggan ang tangis ng
isang sanggol na bagong silang sa mundo
‘di ba’t ito ay tila awit ng buhay at kulay
pati na rin pag*asa
[outro]
masdan
tingnan
ang buhay
masdan, tingnan (masdan, tingnan)
ang daigdig (masdan, tingnan)
ng buhay niyo
masdan ang buhay
Random Song Lyrics :
- act up (freestyle) - thatssobeyonce lyrics
- alles eazy - isolation lyrics
- serena and venus - eldorado red lyrics
- jamais la - la cagoule lyrics
- no waiting for tomorrow - jaded heart lyrics
- witches sabbath - kay p lyrics
- you wish you - radio free america lyrics
- right to it - louis the child lyrics
- hello hello - cairoglyphic lyrics
- the things i hear - lil deimos lyrics