lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

ambisyon - marxman macki lyrics

Loading...

verse 1:
hayst! ito na babangon na
nagpupunas na ng muta
kahit inaantok pa

inutusan na ni lola
maghugas at maglaba
pag hindi ko ginawa
mayayari mamaya

dati ay wala pa’ko sa tamang pag*iisip
walang kamalay*malay at ang utak ay makitid
sumusuway kay nanay kahit masama ang titig
papaluin ako niyan kapag hindi pa tumahimik

lalaruin ko nalang munti kong laruan
lalabas ng bahay makikipaghabulan
ang galing magtago sa laro na taguan
umuwi na’ko ng bahay ng hindi nila alam

kaya kakain na’ko, ulam ko tirang letson
sarap pa ngumuya sa tapat ng telebisyon
may lumabas na serye patungkol sa ambisyon
tinanong ko ang sarili ano ba aking misyon

chorus:
pagpasok ng taon
meron nang ibabaon
ilulubog ko rito
sa malalim na balon
kalimutan na lahat
masasakit na ala*ala
tatabunan ng lapat
na gamit lang ay mga pala
ito na ang paalala baka ‘di mo maalala
pangarap mo nuon ay tuparin mo na ngayon

mga duda sa paligid na hindi mo inakala
tuloy ang ambisyon direstyo tungo sa mabuting direksyon

verse 2:
yo! ngayon ay malaki na
yung dating binabata ngayon
ay binata na
nagsisikap ng maigi at tatayong haligi
balang araw maiaangat sa hirap ang sarili

walang halong swerte lahat pinagpaguran
minsan na ring naging salat at nauubusan
‘di palaging libre dapat pagipunan
maling mga gawain ay inyo nang iwasan

darating sa panahong ika’y madadapa
bigat sa’ting pakiramdam kapag nasa baba
umahon sa pagkalubog ika’y bumangon na
bigay mo na lahat pati pato itaya
tignan mo kung meron kang patutunguhan
ideyang natutunan at pinagisipan
h’wag niyo nang sukuan pangarap ay kilusan
lahat kayo sabay*sabay ngayon niyo ‘to subukan

chorus:
pagpasok ng taon
meron nang ibabaon
ilulubog ko rito
sa malalim na balon

kalimutan na lahat
masasakit na ala*ala
tatabunan ng lapat
na gamit lang ay mga pala
ito na ang paalala baka ‘di mo maalala
pangarap mo nuon ay tuparin mo na ngayon

mga duda sa paligid na hindi mo inakala
tuloy ang ambisyon direstyo tungo sa mabuting direksyon

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...