lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

kung aamin ako - michael pacquiao lyrics

Loading...

[verse 1]
kaibigan kita mula pa noon
lahat ng sikreto natin alam ko ‘yon
pero bakit ngayon iba na ang tibok?
sa tuwing kasama ka, puso koy nalulunod
ayoko mawala ka dahil lang sa nadarama
pano kung ’di mo rin pala
masalo ang aking nadarama

[chorus]
kung aaminin ako
baka ‘di mo ako tingnan ng pareho
baka magbago ang lahat
baka mawala ka sa mundo ko
pero kung hindi ko rin sasabihin
puso ko’y mananatiling lihim
kung aamin ako
’di ko alam kung matutuwa ka ba o lalayo

[verse 2]
napansin mo na ba?
‘di ba may kakaiba?
kung paano kita tinititigan
‘di tulad ng dati pa
sanay ‘wag mong isipin
na sira ang samahan
gusto lang kitang malaman
kung may pag*asa pa bang maramdaman
ayokong pilitan ka
ayokong guluhin ka
pero sa dami ng daan
pangalan mo lang ang aking dasal lagi
[chorus]
kung aaminin ako
baka ‘di mo ako tingnan ng pareho
baka magbago ang lahat
baka mawala ka sa mundo ko
pero kung hindi ko rin sasabihin
puso koy mananatiling lihim
kung aamin ako
‘di ko alam kung matutuwa ka ba o lalayo
oh woah

[bridge]
kung sakaling masaktan ako
tatanggapin, basta’t nandiyan ka pa rin
kung sakaling wala akong sagot
sapat na ang minsang
ikaw ay naging akin

[chorus]
kung aaminin ako (kung aamin ako)
baka ‘di mo ako tingnan ng pareho
baka magbago ang lahat
baka mawala ka sa mundo ko, (oh)
pero kung hindi ko rin sasabihin
puso koy mananatiling lihim
kung aamin ako
sana’y ’di ka mawala
sana’y ’di magbago, oh
[outro]
tahimik lang ako sa gilid
pinagmamasdan ka ‘di mapakali

kung aamin ako

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...