
anong ganda - mike hanopol lyrics
[verse 1]
laging may tanglaw gabi’t araw
k*mikislap ang kanyang kagandahan
siya ay parang ibon ng kalayaan
lumilipad sa kaitaas*taasan
[pre*chorus]
minsan ay parang nagiging ulap ang anyo
at kung minsan ay parang paruparo
minsan ay parang kasama sa agos ng ilog
at kasama din ng araw sa paglubog
[chorus]
anong ganda ang aking nakita
parang isang kislap ng bituin
anong ganda ang aking nakita
parang isang hamog sa umaga
[verse 2]
hinahanap ko ang katauhan
parang rosas na sariwa ang bango
‘di ko malimot ang kanyang anyo
maliwanag pa sa araw ang mukha nito
[pre*chorus]
minsan ay parang pumapatak na ulan
at kung minsan ay kasama ng hangin
minsan ay nakita ko siya’y nagsasayaw
parang isang bituing tumatanglaw
[chorus]
anong ganda ang aking nakita
parang isang kislap ng bituin
anong ganda ang aking nakita
parang isang hamog sa umaga
Random Song Lyrics :
- hương ngọc lan - hồng nhung lyrics
- все вручну (all by hand) - chin choppa lyrics
- amor de verano - shirel lyrics
- blood+tears - resso (luce.) lyrics
- hannah montana - ghxstboy zzz & ilyruke lyrics
- slow up - iayze lyrics
- cages - strung out lyrics
- big blue - underneath (pa) lyrics
- close to home - atlus lyrics
- talkingonmynamefreestyle - vyletti lyrics