
anak ng dagat - plagpul lyrics
[verse]
sa paglubog ng araw
ako’y nagpaalam
sa iyo aking mahal
baon ko ang ‘yong dasal
[verse]
at sa aking paglisan
pag*ibig mo’y aking sagwan
bangis ng tubig ay babanggain
kasalungat ko ang hangin
[chorus]
sa paglangoy sa bawat alon ng buhay
pusong perlas ang aking taglay
saksi ko ang mga bituin sa ‘king kapalaran
ako ang hari ng karagatan
[verse]
sa dalampasigan
sinta ko’y nakaabang
bitbit ang kayamanan
biyaya ng kalikasan
[chorus]
sa paglangoy sa bawat alon ng buhay
pusong perlas ang aking taglay
saksi ko ang mga bituin sa ‘king kapalaran
ako ang hari ng karagatan
[instrumental break]
[bridge]
ako’y anak ng dagat
dumaloy ka sa ‘king ugat
maglilingkod ng tapat
sa dibdib ko’y itatatak
[instrumental break]
[chorus]
sa paglangoy sa bawat alon ng buhay
pusong perlas ang aking taglay
saksi ko ang mga bituin sa ‘king kapalaran
ako ang hari ng karagatan
[outro]
sa paglangoy sa bawat alon ng buhay
pusong perlas ang aking taglay
saksi ko ang mga bituin sa ‘king kapalaran
ako ang hari ng karagatan
Random Song Lyrics :
- оставь меня (leave me alone) - butdan lyrics
- how it feels - andrew bryant lyrics
- aoa - osamason lyrics
- mërcëdës remix - favé (fra) lyrics
- can't give up - connor price & graham lyrics
- epilogue - boy in static lyrics
- bluntsbythewater - nicky manson lyrics
- watch me - desirei grech lyrics
- sossboy 2 (original) - pi'erre bourne lyrics
- pure spirit - tilden parc lyrics