
diskarte - sectionjuan lyrics
[verse 1]
naghahabol ng aking biyahe
para lang makasabay ka, makasama bago pumara
excuse me miss, paabot ng pamasahe
para lang mapalingon ka’t masilayan ang iyong ganda
[pre*chorus]
walang mintis sa mga bawat titig mong dumadaplis
teka muna miss, puwede bang malaman ang pangalan mo, oh oh
‘pag nakikita ka, paligid ko’y nag*iiba
nagkakulay ang daanan sa nilalakaran, heto aaminin ko na
[chorus]
mata’y pinipikit ‘pag dumaraan ka na
ramdam ang ‘yong ngiti sa tuwing lumalapit ka
ako’y kinikilig kahit ‘di sinasadya
ano nga ba talaga ang meron ka?
lika’t sumama na
[post*chorus]
kahit sa panaginip lang
hawak ang ‘yong kamay
at kasamang naglalakbay
puwede bang paakbay?
habang tayo’y naghihintay
ng biyahe patungo sa ‘king pusong nalulumbay
[verse 2]
pinagmamasdan ang ‘yong gandang ‘di nakakasawa
habang kaharap ka sa kabilang upuan kahit siksikan
at inaabangan kung saan papara
para makadiskarte sa paraan na simple kahit walang kotse, eh
[pre*chorus]
walang mintis sa mga bawat titig mong dumadaplis
teka, teka lang miss, puwede bang malaman ang pangalan mo, oh oh
‘pag nakikita ka, paligid ko’y nag*iiba
nagkakulay ang daanan sa nilalakaran, heto aaminin ko na
[chorus]
mata’y pinipikit ‘pag dumaraan ka na
ramdam ang ‘yong ngiti sa tuwing lumalapit ka
ako’y kinikilig kahit ‘di sinasadya
ano nga ba talaga ang meron ka?
lika’t sumama na
[post*chorus]
kahit sa panaginip lang
hawak ang ‘yong kamay
at kasamang naglalakbay
puwede bang paakbay?
habang tayo’y naghihintay
ng biyahe patungo sa ‘king pusong nalulumbay
[instrumental break]
[chorus]
mata’y pinipikit ‘pag dumaraan ka na
ramdam ang ‘yong ngiti sa tuwing lumalapit ka
ako’y kinikilig kahit ‘di sinasadya
ano nga ba talaga ang meron ka, ah ah
mata’y pinipikit ‘pag dumaraan ka na
ramdam ang ‘yong ngiti sa tuwing lumalapit ka
ako’y kinikilig kahit ‘di sinasadya
ano nga ba talaga ang meron ka?
lika’t sumama na
[post*chorus]
kahit sa panaginip lang
hawak ang ‘yong kamay
at kasamang naglalakbay
puwede bang paakbay?
habang tayo’y naghihintay
ng biyahe patungo sa ‘king pusong nalulumbay
[chorus]
mata’y pinipikit ‘pag dumaraan ka na (dumaraan ka na, ah ah)
ramdam ang ‘yong ngiti sa tuwing lumalapit ka (lumalapit ka)
ako’y kinikilig (kinikilig) kahit ‘di sinasadya
ano nga ba talaga ang meron ka?
lika’t sumama na
Random Song Lyrics :
- why - salif lyrics
- min wunderbaum - ronny & ragge lyrics
- ice in my cup - soulja boy tell 'em lyrics
- you will not handle me (period) - super nard lyrics
- bloodline - reeko squeeze lyrics
- müßiggang - bosse lyrics
- birds of a feather - king harris lyrics
- escape me - extended version - tiësto lyrics
- russell crowe - salmo lyrics
- ben bana - yok öyle kararlı şeyler lyrics