
langis at tubig - sharon cuneta lyrics
tubig at langis, ang katayuan nati’y yan ang kaw-ngis
pilitin mang magsam’y may mahahapis
ganyang-ganyan tayong dalawa
ang panuntunan’y magkaiba
langis at tubig, ‘di mapagsama ng tunay mang pag-ibig
hinanakit ang s’yang laging mananaig
mahal na mahal man kita,
may mahal ka namang iba
chorus:
tubig at langis
idarang man sa init, ‘di rin tatamis
dahil ang halo’y luha’t paghihinagpis
ang kirot ay di maalis kung labis
bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa ‘ting daigdig?
may dasal ba akong hindi n’ya narinig?
papel natin sa pag-ibig
ako’y langis, ika’y tubig
repeat chorus:
bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa ‘ting daigdig?
may dasal ba akong hindi n’ya narinig?
papel natin sa pag-ibig
ako’y langis, ika’y tubig
ako’y langis, ika’y tubig
Random Song Lyrics :
- my part / make it funky (part 3) - james brown lyrics
- verses from the reel (freestyle) - james letter lyrics
- spacey - yung droozy lyrics
- прохлада (coolness) - рич (reech) lyrics
- haha freestyle - junetherapper lyrics
- come outside - bernard jabs lyrics
- der letzte - ikonik lyrics
- tera shehar - amaal mallik lyrics
- ipanema - selton lyrics
- chilango blues - mon laferte lyrics