
dalum at hibas (bulan) - shirebound and busking lyrics
[verse]
‘sing liwanag ng umaga
noong huli kitang makita
tayo ba ay nagkasalisi
o ikaw ba ay nagkukubli
bulan
matagal*tagal ka nang hindi nasisilayan
[verse]
ikaw ba ay nagtatampo
tuwing panganod ay nagtatagpo
bukas ng gabi, lalabas muli
bakasakaling tanglaw mo’y dadampi
[chorus]
o, bulan
ika’y inaawitan
nagtatapang*tapangan dahil ika’y wala
mayroon bang patutunguhan ang pagtingala
[instrumental break & humming]
[chorus]
o, bulan
matagal*tagal ka nang hindi nasisilayan
nagtatapang*tapangan sa kabila ng pangamba
mayroon bang hantungan ang pag*iisa
[post*chorus]
o, bulan
ako ba’y iyong iniwan?
[bridge]
gabi*gabing sa langit ay nakatingala
nag*aabang ang awit didinig ay wala
dilim ay tumatangis
dinaramdam ay labis
antok nilalabanan
hinihintay ay nasaan?
bulan
[outro]
ng*yong nandyan ka na
huwag nang lumisan pa
bulan
Random Song Lyrics :
- anyam abu o - jaymikee lyrics
- stereo - baobei lyrics
- baraka - aimane lyrics
- sentiment 4qc - tayron kwidan's lyrics
- out of the blue - 竹内まりや (mariya takeuchi) lyrics
- it's probably fine - black dresses lyrics
- 2000 miles away - brandon bury lyrics
- gorko slatko - s-alt (bih) lyrics
- karrahboo - 570jv lyrics
- lavender town - cherry x & baeby alex lyrics