
iyak - tatz maven lyrics
pwede ko ba ‘tong itawa?
pero parang mas gusto kong umiyak
ayaw kong magmukhang kawawa
kaya mas sinasarili ko na lang
‘yan ang turo nila lolo sa iyong papa
sa ‘yong tito sa ‘yong kuya at ikaw na
wag daw pagusapan
yan daw ay kahinaan
pag tanong sa’kin ‘say tirada? wa lage
sa problema wa pake
idadaan na lang sa alak, yosi, at kape
sana ganun kadali kaso lang hindi
sumisigaw na ang bulong
buti di pa binge
sana binuhos ko na ‘to nung ambon pa
ngayon natatakot na baka mabuhos ko ‘to sa iba
masaktan ko pa sila sa bagyong nagbabanta
sana di ako anorin ng sarili kong baha
oooh matagal ko na dapat ‘tong iniyak
bago pa ‘ko nabiyak (pwede namang umiyak)
nabiyak (pwede namang umiyak)
oooh matagal ko na dapat ‘tong iniyak
bago pa ‘ko nabiyak (pwede namang umiyak)
nabiyak (pwede namang umiyak)
sana di nilihim to
para san pa ang mga kaibigan ko
na handa naman sa ‘kin na lage makinig
imbes buksan aking loob aking tinikom ang bibig
kahit ramdam ko ng malapit ng madale
sosolohin, maglalaho na parang walang nagyare
ang mundo’y madaya pero diba mas madaya
na ipagkait itong damdamin
aking haharangin di ka papasukin
akin lang itong pasakit
di patabang kahit gumapang
magisang lalaban
dahil ako lamang
at wala merong pakealam
abay mali ka diyan
wag mo isasarili ang mga bagay na yan
at mga nararamdaman
hayaan ang sarili na magtampisaw sa buhos ng ulan
oooh matagal ko na dapat ‘tong iniyak
bago pa ‘ko nabiyak (pwede namang umiyak)
nabiyak (pwede namang umiyak)
oooh matagal ko na dapat ‘tong iniyak
bago pa ‘ko nabiyak (pwede namang umiyak)
nabiyak (pwede namang umiyak)
aaaah ibuhos mo lang yan
(pwede namang umiyak)
Random Song Lyrics :
- original - claire leslie lyrics
- starstruck - 300aiden lyrics
- по_смо_3_на_чек (look at the check) - sonja & whiskey, 5mewmet lyrics
- trouble in the message centre (demo) - blur lyrics
- rap éphémère - halfblood lyrics
- rot - dead days lyrics
- 777 - zaycodet lyrics
- после дождя (after the rain) - jᎥwe lyrics
- ohh my god - harkone attano lyrics
- для внуков (for the grandchildren) - stickyflow lyrics