
ozone (itulak ang pinto) - unique lyrics
[verse 1]
itulak ang pinto papasok sa sayawan
sa gabing ito’y may isang inaasahang
makasayaw at makapiling
hanggang kinabukasan
mabubuo ang alaala
mapapaso ang kaluluwa
basang-basa ng pawis dahil sa arsonista kong mata
magliliyab kapag ako’y lumapit nang tuluyan
[chorus]
sunugin natin ang ating mga paa
dagitab ng bawat padyak ay nadarama
sunugin natin ang ating mga paa
dagitab ng bawat padyak ay nadarama
[verse 2]
tinulak ang pinto ng ilang kaibigan
may k-malat sa loob, lahat ay nagsitakbuhan
isang daan kaming lumalayo mula sa kamatayan
mabubura ang alaala
mapapaso ang kaluluwa
basang basa ng pawis ang pagitan ng aking mata
naging abo ang ating buhay at pag-ibigan
[chorus]
sunog ang katawan, ulo hanggang paa
dagitab ng bawat isa ay nadarama
sunog ang katawan, ulo hanggang paa
dagitab ng bawat isa ay nadarama
sunugin natin ang ating mga paa
dagitab ng bawat padyak ay nadarama
sunugin natin ang ating mga paa
dagitab ng bawat padyak ay nadarama
[outro]
itulak ang pinto
itulak ang pinto
itulak ang pinto
itulak ang pinto
itulak ang pinto
itulak ang pinto
Random Song Lyrics :
- ominous fog - creeping horror lyrics
- 4 words (to choke upon) (live at brixton) - bullet for my valentine lyrics
- vultures - black taxi lyrics
- interlude: fayte's aria - diamorte lyrics
- marinheiro (como foi que entrou água dentro da canoa?) - miseryswin lyrics
- deep blue c - yoppa bam lyrics
- 나는 반딧불 (i`m firefly) - 황가람 (hwang ga ram) lyrics
- m&b - big1500 lyrics
- mari - loser64 lyrics
- pxl - leroo, igor gonda lyrics