lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

halik ni hudas (wolfgang 30) - wolfgang (phl) lyrics

Loading...

[verse 1]
mga asong naloloko, nagpapanggap na tao
mga pangakong matamis, puro langaw at ipis
sa bawat tabi at sulok, pagkatao’y nabubulok
nakalubog na sa kabaong, lalo pang binabaon

[chorus]
tao sa pangil ng buwaya
kapangyarihan ng halik ni hudas

[verse 2]
ubos na ang mga bayani, mga duwag ang nalalabi
kunwari’y matatapang, ihahango sa kahirapan
kukunin niya lahat sa ‘yo, isip at kaluluwa
pagkatao mo’y papasukin, tapos dudurugin

[chorus]
tao sa pangil ng buwaya
kapangyarihan ng halik ni hudas

[guitar solo]

[bridge]
magtiwala ka sa akin, kaligtasan mo ako
dito ka susunugin, sa aking paraiso
[verse 3]
sumunod sa mga utos, mga lason na pangako
ang kaniyang mga kamay, mga batong pumapatay
kaibigang nakaitim, dadalhin ka sa dilim
magpailalim sa kaniya, nakatali ng kadena

[chorus]
tao sa pangil ng buwaya
kapangyarihan ng halik ni hudas
tao sa pangil ng buwaya
kapangyarihan ng halik ni hudas

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...