
luha ng lupa - zild lyrics
[verse 1]
luha ng lupa
binubuhos ang mga basura natin
unti*unting nawawala ang lahat ng ‘to
nakalimutan magising
luha ng ulap
binubuhos ang mga sinunog natin
poot at galit lamang naramdaman
nagkunwari na lang na walang alam
[chorus]
ulap at lupa
nagtatampo sa atin
sabi ng bata
“hanggang kailan ang amin?”
[verse 2]
luha ng puno
kinakalbo upang tumaas ang tubo
hinahayaan lang maubos ang lahat
nakalimutan magmasid
sabi ng lupa
“makikinig pa ba kayo sa akin?”
o dadating ang oras na wala na ‘ko
tao na ang pagkain niyo
[chorus]
ulap at lupa
nagtatampo sa atin
sabi ng bata
“hanggang kailan ang amin?”
gusto ko lang
huminga sa purong hangin
gising na ‘ma, wala na tayong pagkain
[outro]
luha ng lupa
naririnig mo ba?
umiiyak ang mga ibon
ng*yong gising ka na
mahahabol pa ba
ang panahon
para mabuhay pa?
Random Song Lyrics :
- a whisper from the cosmos - devil's reef lyrics
- no hope, no glory (hard luck story) - melody bites lyrics
- a letter i wrote - t. william lyrics
- ο δειλιέν (o deilien) - pavlos pavlidis lyrics
- zbohom alkohol - slniečko lyrics
- паническая атака (panic attack) - iplovechemistry lyrics
- not your fault - xander corbett lyrics
- yvngside - seeyaside lyrics
- feuer schmerzt - fabian noll lyrics
- балконы (balconies) - angel vox lyrics