lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu sana siya na nga – ariel rivera, lani misalucha & john arcilla

Loading...

[intro: lani misalucha]
ako’y bigyang habag, damdaming ligalig
bigyan ng kalasag, tunay na pag*ibig
kanino pupunta? pusong tigib ka ba?
lakas sa pagbagting, sinong magwawagi?
kung iyong nakita na binata sa labas
sa akin mapunta, pag*ibig niyang wagas

pintig ng pusong may pangamba
pasya ng damdaming may kaba
buntong hininga, dulog kay bathala
siya na ba? siya na nga kaya?

bakit ba ganito ang bugso ng puso?
malikmata kaya ang aking sinisinta?
o langit, tugunan, dasal ng nagmamahal
siya na nga kaya? sana siya na nga

[john arcilla, spoken]
ipagpaumanhin. hindi ko sinasadyang ikaw ay gitlain

[lani misalucha, spoken]
kanina pa diyan kayo, ginoo? sa titig po ninyo’y napapahiya ako

[john arcilla, spoken]
pagtitig kong ito’y tanda ng paghanga. ako si lakshmana, pangalaw*ng anak ni haring dasaratha
[lani misalucha, spoken]
bakit hindi lumahok sa tagisang pagbagting? iyong kapalaran, ipap*n*langin

mayroon po ba kayong kailangan sa akin?

[ariel rivera, spoken]
hindi sinasadyang ika’y istorbohin. ang pakay ko rito’y upang m*n*langin, na sana’y pagbagting, tagumpay ko’y hirangin

[lani misalucha, spoken]
ikaw sana’y palarin

[ariel rivera, spoken]
kung matatalo rin, sa akin pwede na. sa taglay mong ganda, nasisiguro ko ang premyong si sita hindi singganda mo

[lani misalucha, spoken]
huwag sabihin ‘yan. pagpili ng kabiyak, sa diyos inaasa. wala tayong pasya kundi tumalima

[john arcilla, ariel rivera]
pintig ng pusong may pangamba
pasya ng damdaming may kaba
buntong hininga, dulog kay bathala
siya na ba? siya na nga kaya?

[lani misalucha]
bakit ba ganito ang bugso ng puso?
malikmata kaya ang aking sinisinta?
[john arcilla, ariel rivera]
o langit, tugunan, dasal ng nagmamahal

[lani misalucha]
siya na nga kaya? sana siya na nga

[ariel rivera, lani misalucha]
pintig ng pusong may pangamba (tunay ba’ng pag*ibig niya?)
pasya ng damdamin may kaba (habambuhay nga kaya?)
buntong hiningang dulog kay bathala (siya na sana)
siya na ba? siya na nga sana (siya na ba? siya na nga sana)

[john arcilla, lani misalucha]
bakit ba ganito ang bugso ng puso?
malikmata kaya ang aking sinisinta?

[john arcilla]
o langit, tugunan

[lani misalucha]
hiling ko’y pakinggan

[ariel rivera]
dasal ng nagmamahal

[lani misalucha]
dasal ng nagmamahal
siya na nga kaya?
[lani misalucha]
sana

[john arcilla]
sana

[ariel rivera]
sana

[ariel rivera, lani misalucha, john arcilla]
…siya na nga

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...