lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu bukod – calix (philippines)

Loading...

ilang panahon na bang pinapalipas
itong bigat nadaramang gustong pagtakas
paputol putol walang wakas gustong sabihin
hindi maibulong o mabigkas parang alipin

mga yakap di makilala, di maalala, di maasinta
hapdi ng mga salita naubusan na ng bala

naghahanap ng dahilan para manatili
uunahin ba ikaw o ang sarili?

pilit binabalikan ang unang tagpo
bakit ba kahit anong bilis ng takbo
hindi makahabol sayong tabi?
sabihin mo sakin, anong silbi
ng itago at magtago sa likod ng mga ngiti?

heto ako na ang pipili

hindi na makahinga panahon na para
sa yakap nating bumitaw giliw
ito na ang pahinga, ang huling pahina
ng kwentong mga naligaw giliw

(aye, aye)
kinakabahan ka parin kahit na alam mo kung saan papunta ang lahat
alam mong di sapat na sa puso mo lang inaasa pagkat
alam mong matagal na tayong ganito
tinanggal sa utak ang bulong ng poot
tinapunan, binalutan, nalimutan
nagising nalang na hiwaly na tayo

ako ba o ikaw? saan ba naligaw?
pumasok tayo nang hilaw, sa init ng araw agad natunaw
tapusin na natin ‘to
nadudurog lang ang puso ko
tapusin na natin ‘to
sino ba kasi ang ating niloloko?

sinubukan naman natin diba? maging masaya?
kahit may sakit tayong nadarama
pinipilit na tin iniinda
sa tingin natin, tayo talaga
sa huli pareho lang tayong nasaktan
inuulit lang natin, walang natutunan
ito na ang wakas, ito na ang hangganan

tanging hiling sa paglisan, makahanap ka ng tunay na kapayapaan
pag nagkita tayo sa hinaharap, pangako kong hindi mag papanggap
na pagibig mo parin ang hinahanap. na pag ibig mo parin ang hinahanap
hindi na makahinga panahon na para
sa yakap nating bumitaw giliw
ito na ang pahinga, ang huling pahina
ng kwentong mga naligaw giliw

heto ako na ang pipili

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...