lirik lagu tindahan ni aling nena – ciudad
[intro]
isang araw
[verse 1]
pumunta ako sa tindahan ni aling nena
para bumili ng suka
pagbayad ko aking nakita
isang dalagang nakadungaw sa bintana
natulala ako, laglag ang puso ko
nalaglag rin ang sukang hawak ko
napasigaw si aling nena
“nako naman ay parang na nakuryenteng pusa!”
ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko na
nakatawa ang dalaga
panay ang “sorry ko” sa pagmamadali
nakalimutan pa ang sukli ko
pagdating sa bahay, nagalit si nanay
pero oks lang ako ay inlababo ng tunay
[chorus]
tindahan ni aling nena
parang isang kwentong pampelikula
mura na at sari-sari pa ang itinitinda
pero ang tanging nais ko ay ‘di nabibili ng pera
[verse 2]
pumunta ako sa tindahan, kinabukasan
para makipagkilala
ngunit sabi ni aling nena
habang maaga’y huwag na raw akong umasa
anak niya’y aalis na papuntang canada
tatlong araw na lang ay ba-bye na
[chorus]
tindahan ni aling nena
parang isang kwentong pampelikula
mura na at sari-sari pa ang itinitinda
pero ang tanging nais ko ay ‘di nabibili ng pera
[verse 3]
hindi mapigil ang damdamin
ako’y nagmakaaw-ng ipakilala
payag daw siya kung araw-araw
ay meron akong binibili sa tinda niya
ako’y pumayag at pinakilala niya
sa kanyang kaisa-isang dalaga
ngunit nang makilala, siya’y tumalikod na
at iniwan akong nakatanga
[chorus]
tindahan ni aling nena
parang isang kwentong pampelikula
mura na at sari-sari pa ang itinitinda
pero ang tanging nais ko ay ‘di nabibili ng pera
[chorus 2]
tindahan ni aling nena
dito nauubos ang aking pera
araw-araw ay naghihintay
o, aling nena, please naman maawa ka-ahh
[outro]
alam nyo’ng nangyari?
wala, ah, wala, ah
(oh, diyos ko!)
wala, ah, wala, ah
haha, wala
lirik lagu lainnya :
- kumpulan lirik lagu a distant voice › lirik lagu butterflies – a distant voice
- kumpulan lirik lagu sant › lirik lagu volto logo – sant
- kumpulan lirik lagu kubaczus › lirik lagu cutie – kubaczus
- kumpulan lirik lagu brindille › lirik lagu céline (ep 2023) – brindille
- kumpulan lirik lagu granat garden › lirik lagu твоє ім’я (your name) – granat garden
- kumpulan lirik lagu frith hilton › lirik lagu being friends – frith hilton
- kumpulan lirik lagu theodor jensen › lirik lagu life – theodor jensen
- kumpulan lirik lagu otori › lirik lagu sunset dope – $otori$
- kumpulan lirik lagu redbelly › lirik lagu can’t get it back – redbelly
- kumpulan lirik lagu sonus vis › lirik lagu жена (wife) – sonus.vis