lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu isang katulad mo – cypress

Loading...

[intro]
ikaw at ako…
ikaw at ako…

[verse 1]
uh, ilang linggo na rin tayo hindi na nag*uusap
umabot sa limitasyon ang dati sati’y ulap
ilang papel nilukot na puno ng luha’t sulat
yung akala nating paraiso’y nagmistulang gubat

siguro nga hindi ikaw ang sakin tinadhana
kaya nag pasyang paglayuin tayo ng mga tala
napuno ng kasinungalingan at mga sumbat
at pagtatalong di malaman kung saan ba nag*ugat

o baka ako lang at wala kang kasalanan?
pagsisisi sa huli na hindi ka mapapatahan
pinangako sa sariling di na to mararanasan
na mahulog sa katulad ko na pansarili lamang

ang inuuna, oo na at natauhan na ko
baka pwede pa na ibalik yung masaya na tayo
at magsimula ulit na kalakip ang pagbabago
sa isang pagkakataon pa ay pagbiyan mo na ko

[chorus]
hindi ko kailangang magpasiya (magpasiya)
alam mo kung sino ang may problema
ikaw at ako ay inakalang hanggang dulo
hindi ko kayang magmahal ng isang katulad mo
[verse 2]
kaya hindi ka sisisihin kung makita ng iba
ganda mong bukod tangi na sakin nagpakatanga
kung hahanapin sa iba ang nararapat na saya
hindi ka pipigilan, ngingiti akong pikit mata

nang kahit pano mabawasan ang sakit, panghihinayang
na sa piling ko puro pasakit lang ang naranasan
gustohin ko mang ipagkait ka di na papayagan
at ibibig*y ang hiniling mo saking kalayaan

lam kong mahirap sakin, pero lalo na sayo
mga taon na tiniis habang kasama mo ako
at nagpasya na umalis upang sarili mabuo
kaya pinili mong maging maayos nang wala ako

gabi*gabing binabangungot ng mga mali
patawad kung pag*ibig mo sa akin isinantabi
di ko pa kaya na makitang may iba kang katabi
hayaan mo kong pagdamot ka pa nang kahit sandali kasi

[chorus]
hindi ko kailangang magpasiya (magpasiya)
alam mo kung sino ang may problema
ikaw at ako ay inakalang hanggang dulo
hindi ko kayang magmahal ng isang katulad mo
isang katulad mo (isang katulad mo)
ikaw at ako ay inakalang hanggang dulo
hindi ko kayang magmahal ng isang katulad mo

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...