lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu mistah – doi

Loading...

(verse 1)
paglabas ko nang bahay, buhay dapat kong ialay
isang paa sa hukay, babalik nakahandusay
sa higaang may bintana, baon ang inyong luha
sa mapagbirong tadhana, bahala na si bathala
huling pangungusap, mahal kita asawa
babalik ako sa oras na baka ako’y wala na
dahil ang lugar na aking tatahakin
bala at granada ang sasalubong saakin
di ko alam sa paghakbang baka ako’y matisod
kahit maging alerto, patibong nakapalibot
umaraw, gumabi dilat aming mata
kalaban pumapatay kahit pikit aming mata
sa aming pagtulog, katabi si kamatayan
panaginip ay bangungot, liwanag di masilayan
mukhang matiwasay, para nang nakadroga
dahil araw at gabi alerto sa mga bomba

(verse 2)
mukha ko sa labas palaging agresibo
ngunit kalooban ko, mundo ay gumuguho
kailangan matatag, bawal dito ang mahina
dito sa serbisyo, paa’y di nalalampa
ako si mistah, sagot ko ang buhay niyo
kunting maling galaw, sarili’y sisihin ko
ito’y obligasyon ko, ang kaligtasan niyo
ako ay inatasan maging lider ng grupo
putok ng mga bala, sabog ng granada
musika sa araw*araw ng ating pagigiyera
walang kataposan, dahil sa maliit na dahilan
paniniwalang hati*hati, walang respetohan
labanan toh ng prinsipyo, napag*utosan ng gobyerno
patayin kapwa pinoy, talagang nakakagago
imbis magtulongan, nagteteroristahan
kaya giyera sa bansa, walang kataposan

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...