lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu bago lang – ejac

Loading...

uh. yeah..
uh uh uh. yeah
yeah

ako’y papasok! parang usok ng damo
sino daw ako? – mga tanungan sa laro
matagal ng tagahanga pero bago lang ako
yung ibang bago lang,beterano daw,nako..
mga puro patawa
mga di nahihiya, basta lang makadada
boka nyo palagi’y puro pekeng katapangan
sabay sigaw sigaw ang puta pete nyong pangalan
tema nyo palagi’y puro gera sa kalaban
sakin,kapayapaan sa pag gamit ng halaman
subalit walang daya kada bara sa kanta
pulido talaga kahit ‘di na k-marga

bumabayo ang beat sa tahimik na kubo
natural na usok sa paligid ng puno
payapa sa lahat,mga patama ko ay swabe lang
dedma sa papuri’t kahit ‘di mo na ‘ko partehan..
uh,kahit di nyo nako partehan
senyo na lahat, para sakin ay mga korni yan
taob silang lahat kung seryosong makinig
takot sila sakin pagkat nerbyosong bumilib..
takot silang humanga..
uh. yeah..

ayaw nilang humanga kasi bago lang ako
uh,oo bago lang ako
nagmasid bago sumalta,ng-yon ako’y problema..
lahat sila’y sabik na malapatan ko sa tenga
tamad ako o abala? tanong ng mga repa
batak sa kahirapan, lulong magkapera
ikaw ay pambihira kung may pera ka sa rap
kung wala wag ka ng magpabida sa lahat
kay sarap pagaanin bawat hangin nyo na kay bigat
usisain ang laman ng awit ko at pamagat
purong lirisismo,kwento’t palaisipan
magaan ang salita kasi nga musika ‘to man
libre ang mangarap, may bayad pag sinatupad
iba’t ibang mukha man isa lang yan pag pinaghubad

nasaan ang hari? magtatanong ako
sila na lang ba lagi? pa’no naman ako?
larong laro na’ko, sawa na’kong maging bangko
magbig-y daan kayo sa may talentong patago
siksikan na’t may plaka pang “bawal na sumingit”
sa sakayan ng pangarap “iisang jeep” lang ang limit
“bakit ka astig?” kasi freestyle ko pang sulat na
may beat man o wala bawat tono magugulat ka

maloko man o siga ay nagugulangan din
pinera na ang kota sa pasabing malambing
di bale yan ang buhay,matira matibay
bago ka magkasung-y ay may gagabay na husay
di pinapansin,kasi preso ng paghahambing
tila arestado ang galing ko sayong salamin
may mata ang tenga ng masang haharapin
kaya’t ako’y palaging replika sa bawat magaling
niyakap ko ang lait nyong parang papuri sakin
tulak ng bibig ko na kinabig ng damdamin

akala mo kung sino, pero bago lang ako
parang bago lang ako
tahimik,walang pasikut-sikot na galawan
si buddahbeads lang ang kasindihang matagalan
nagpapaka normal kami,sila baliw baliwan
sulat ko sa bawat pagkatao’y naiiwan
mabigat ang liriko,magaan sa tenga
malikot ang isip kong maraming kapareha
binalot ng misteryo,hiwaga at pagtataka
sinakop ng sikreto,imbento at pangangapa
malalim mag isip pero mababaw mag sulat
laging tago sa puno ang malalim na ugat
maraming mga bagong nakatago sa sikat
ngunit isa lang ako sa bagong alamat!

outro:

kung nayayabangan ka.. kasi bago lang ako..
pasensya.. kung bago man ako..
pasensya na bago lang ako..
bago lang ako..
para sa inyo.. ay bago lang ako..
parang bago lang ako…

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...