lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu singularity – ensou

Loading...

verse 1:
tanda mo pa ba ang langit na ating pinagmamasdan
mga bituin ay magbabalik
tanda mo pa ba ang mga gabing tayo’y magkatabi
ang araw ay magdarating na muli

mata’y ipikit

chorus:
halika na at tayo’y sumayaw sa ilalim ng mga bituin
ang bahid ng iyong luha ay maglalaho na muli
magkahawak ang ating kamay, kalimutan na ang lumbay
yakapin mo ako ng mahigpit at tayo’y di maghihiwalay

verse 2:
ang ating nakaraan ay lumipas na, malayo na
‘di na ito mababalikan
ang mga gabing ikaw ay umiiyak; nagiisa
‘di na ito mauulit pa

ng-yon na tayo’y muling magkatabi

bridge:
dahan-dahang tayo ay nahuhulog
tumingin ka lamang sa aking mata at huwag kang bibitaw

chorus:
halika na at tayo’y sumayaw sa ilalim ng mga bituin
ang bahid ng iyong luha ay maglalaho na muli
magkahawak ang ating kamay, kalimutan na ang lumbay
yakapin mo ako ng mahigpit at tayo’y di maghihiwalay

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...