lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu liwanag ni luna – gengar07

Loading...

[verse]
pwede bang mahawakan ang iyong kamay
susulitin panahong kasama ka bago magbukang*liwayway
binabalot ng liwanag mula sa mga bituwin
dinig ang himig ng gabi, habang ang gabi’y lalong lumalalim

[pre*chorus]
malamig ang simoy ng hangin
mga tala’y nagniningning
ang buwan nama’y lalong lumiliwanag
sinag niyang humati sa dilim

[chorus]
pwede ka bang isayaw sa liwanag ni luna?
sa gabing ito’y hindi ka nag*iisa
puno ng mga bulalakaw ang mga ulap
paikot*ikot hanggang sa tayo’y matumba

[verse]
pwede bang haranahin mula sa ‘yong tabi
kakantahan ka upang ika’y aking mapangiti
kakabisaduhin ang iyong mukha
mula sa iyong makikinang na mata hanggang sa mapupula mong labi

[pre*chorus]
malamig ang simoy ng hangin
tayo ay napaidlip
kapag ang gabi’y muling sasapit
ikaw ay aking tatanungin muli
[chorus]
pwede ka bang isayaw sa liwanag ni luna?
sa gabing ito’y hindi ka nag*iisa
pwede ka bang makayap ng mahigpit
habang nababalot ng liwanag ni luna

[outro]
huwag na huwag kang bibitaw
sa aking kamay habang
unti*unting tinatang*y ng hiwaga ng buwan
sa ilalim ng bitwin
tayo ay mananatili
habang sa atin umiikot ang kalawakan

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...