lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu hindi sapat (live) – gloc-9

Loading...

[intro: cookie chua]
tubig na iinumin mo na ay
ipanghuhugas mo pa ng aking paa’t kamay
saya mong mahaba na nagkagutay*gutay
retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay

[hook: gloc*9]
nanay, mommy, ina
mama, inang, mamang, ima
sa’min ay wala ng iba ‘di sapat ang salamat inay

nanay, mommy, ina
mama, inang, mamang, ima
dapat n’yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay

[verse: gloc*9]
siyam na buwan sa’yong sinapupunan dinala
hayaan po ninyong sabihin kong ikaw ang pinaka
mapagbig*y, hindi iniisip ang sarili
at kay itay ikaw ang palaging humahalili
‘pag hinipan mo ang sugat ko agad gumagaling
‘pag kinukuha ko ang buhat n’yo agad umiiling
kaya ko na ito anak, baka mahuli ka sa klase
tinapay na pinalamanan ng baon palagi
madaling araw kung gumising para lang makapagluto
maghapong maglalako para sa maliit na tubo
bayad namin sa ilaw, tubig, kuryente
kahit kulang ang sweldo palaging merong pamalengke
[pre*chorus: gloc*9]
mawalang galang na nanay pagpasensyahan n’yo na
pagsuway ko ba’y pwede kong dagdagan pa ng isa
iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin n’ya
pagsisigawan kung ga’no kapalad na ikaw ang s’yang aking ina

[chorus: cookie chua]
tubig na iinumin mo na ay
ipanghuhugas mo pa ng aking paa’t kamay
saya mong mahaba na nagkagutay*gutay
retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay

[hook: gloc*9]
nanay, mommy, ina
mama, inang, mamang, ima
sa’min ay wala ng iba ‘di sapat ang salamat inay

nanay, mommy, ina
mama, inang, mamang, ima
dapat n’yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay

[verse: gloc*9]
puyat, pagod, sinat, hagod
saing, hain, hugas, kayod
sahod ma’y kapos hindi ka nakakalimot
na sindihan ang posporo, kandilang tinusok
sa ibabaw ng mamon na balot ng matamis
regalo mo taon*taon, tila napakabilis
isang babaeng ‘di marunong maningil ng buwis
minsa’y nakakainis minamani mo ang tiis
kapalit lang ay halik at yakap na mahigpit
mano sa kanang kamay sa noo ididikit
kahit butil ng buhangin pipiliting ibalik
parang simoy ng hangin ikaw ay walang kapalit
[pre*chorus: gloc*9]
mawalang galang na nanay pagpasensyahan n’yo na
pagsuway ko ba’y pwede kong dagdagan pa ng isa
iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin n’ya
pagsisigawan kung ga’no kapalad na ikaw ang s’yang aking ina

[chorus: cookie chua]
tubig na iinumin mo na ay
ipanghuhugas mo pa ng aking paa’t kamay
saya mong mahaba na nagkagutay*gutay
retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay

[hook: gloc*9]
nanay, mommy, ina
mama, inang, mamang, ima
sa’min ay wala ng iba ‘di sapat ang salamat inay

nanay, mommy, ina
mama, inang, mamang, ima
dapat n’yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay

[outro: cookie chua]
tubig na iinumin mo na ay
ipanghuhugas mo pa ng aking paa’t kamay
saya mong mahaba na nagkagutay*gutay
retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay
palakpakan natin yung nanay ko at lahat ng mga nanay natin

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...